Gising nanaman ako kahit hating gabi na
inaalala ang mga pinagsamahan nating dalawa
ang yakap at halik mo na abot hanggang tenga
ngayon ay nasaan na?Buntong hininga na lang ang aking nagawa
hindi alam kung paano ito mawawala
ang sakit na nadarama sa katotohanang wala ka na
at kahit kailan ay hindi na babalik pa.Pakiramdam ko'y nasa lang harap kita ngayon
pinapanuod ang pagdadrama ko
may masama ba sa ginagawa ko?
ang mamiss ka na higit pa sa inakala mo.Oo na hindi ko pa talaga tanggap
pa'no ko matatangap kung ikaw lang ang tama sa lahat
binago mo ang buhay ko nang dumating ka
pero mas nabago nang tuluyan simula nang bawiin ka na Niya.J.
BINABASA MO ANG
Spoken Word
Non-FictionSumulat. Kumanta. Tumula. Ikaw ang bahala, kung saan ka masaya.