Disclaimer: This poem is just only for my entry for our HIV awareness under SanKa Production.
Ako'y nasasabik tuwing dumidikit
Ang balat mong naglalakit
Dahil sa init na nagmumula
Sa malalagkit mong titigHindi mapigilang hindi lumapit
Sayong mga bisig tuwing namamasid
Ang iyong mapupulang labi
Lalo na tuwing pagsapit ng gabiAko'y nauuhaw sayong mga hawak
Na nag-aasam ng mas malawak
Pero tila may gustong umawat
Sa kagustuhan kong nag-aalabSa bawat pasok mo't labas
Alam ko naman ang posibleng kalalabasan
Ngunit bakit hindi ko mapigilan
Ang paulit-ulit na tawag ng aking lamanIto na nga ba ang sinasabi ko
Parang nilalayuan na nila ako
Ako ang tipo ng taong laging positibo
Pero ngayon hiling ko lamang ay ang resultang negatiboAng apoy na dati nating nilalaro
Ngayon ako ay pinapaso
Hindi dahil sa init na nagmumula dito
Kundi dahil sa tingin ng mga taoMay lunas man ngunit habangbuhay na ito
Kaya ang gusto ko lamang ay ang suporta ninyo
Sana wag niyo kalimutan ang katagang ito
Na sana nag condom ako.-- J.E
BINABASA MO ANG
Spoken Word
Non-FictionSumulat. Kumanta. Tumula. Ikaw ang bahala, kung saan ka masaya.