Masakit sa magulang na mawalay sa pamilya nila
Pero anong magagawa kailangang buhayin sila
Ang makisama sa mga taong ngayon lang nila nakilala
At ang mga taong kulay banyaga na ngayon lang nila nakasalamuhaHindi madali ang makipagsapalaran sa ibang bansa
Lalo na kung mag-isa ka lang na pumunta
Bagong tradisyon ang kailangan mong harapin
Para maging katulad ka nila sa kanilang paningin.Mga sentimental na litrato ang kanilang dala
Kinakausap, hinahalikan bago matapos ang buong araw nila
Dahil kahit papano ay nakakawala ng pagod
Para sa mga mahal sa buhay na gustong itaguyodAlam nating masakit maiwan
Pero para sakin ay mas masakit mang-iwan
Dahil hindi biro ang magsakripisyo
Mabigyan lang ng magandang buhay ang mga naiwan nila dito.-- J.E
BINABASA MO ANG
Spoken Word
Non-FictionSumulat. Kumanta. Tumula. Ikaw ang bahala, kung saan ka masaya.