Bakit kinalingan mong mawala?
Bakit hindi pwedeng dito ka na lang?
Sa tabi ko at hindi na mawalay pa,
bakit sa apat na sulok ng kwadro pa kita makikita?Ang dami kong gustong sabihin sayo,
marami akong dapat ihingi ng tawad at ipasalamat sayo,
naririnig mo kaya ako?
Sigurado akong oo, dahil ikaw ang pinaka madiskarteng taong kilala koGusto kong humingi ng tawad sa mga panahong gusto ko nang sumuko,
sa mga oras na nakalimutan ko ang mga payo't turo mo,
sa mga salitang binitawan kong nakapag pasakit ng loob mo,
at sa mga araw na hindi ako naniwala sa sinabi moMahirap lumaban ng mag-isa,
na wala sa tabi mo ang nagiisang taong nagtitiwala sayo,
pasensya ka na ha, kung minsan ay umaakto akong walang pinag aralan at hindi alam kung saan ang pupuntahanHindi ko alam kung paano ko pa masusuklian ang mga sakripisyo mo,
ang mga pangaral mong nag-angat ng estado ko,
ang iyong mga salitang tumatak sa isip ko,
at naging inspirasyon kong ipagpatuloy ang labang nasimulan moMaraming salamat dahil nagtiwala kang makakaya ko,
salamat dahil hindi ka sumukong may igagaling pa ako,
salamat dahil ikaw ang unang pumalakpak sa akin nung araw na walang pumansin sa kakayahan ko,
salamat 'tay.. sa mga oras na kinailangan kita sa tabi koWalang taong hindi gugustuhing maturuan mo,
kung paano makisama, rumespeto at tumanggap ng pagkatalo,
dahil sa iyo pa lang, ako na'y panalo at tatanawin ko 'tong parangal sa lahat ng pangarap na sabay nating binuo.-- J.E
BINABASA MO ANG
Spoken Word
Non-FictionSumulat. Kumanta. Tumula. Ikaw ang bahala, kung saan ka masaya.