Nagising nanaman ako, sa panibagong araw na kailangan kong ipaalala sa sarili kong wala ka na.
Papasok nanaman ako, sa unibersidad na malabong hindi tayo magkita.
Makikinig nanaman ako, sa mga kantang ikaw lagi ang pinapaalala.
At muling sasakay ng jeep, na paniguradong makakasabay ka.
Limang taon na rin ang nakalipas, magmula nang masanay ako sa mga bagay na nagdudulot sa akin ng kaba.
Kaba na hindi maalis sa dibdib ko dahil sa katotohanang nandito ka pa.
At sakit, dahil sa nakalipas na taon ay hindi nagawang kalimutan ka.
Oo mahal pa rin kita, at yan ang huling katagang maririnig mo sa'kin na napaka-tanga.
-- J.E
BINABASA MO ANG
Spoken Word
Non-FictionSumulat. Kumanta. Tumula. Ikaw ang bahala, kung saan ka masaya.