Liham para sa'yo

405 1 0
                                    

Sinungaling, sinungaling na ako kung sasabihin ko sayong hindi na kita kayang mahalin.

Sa tuwing tinitignan ko ang mga larawan mo'y ako na lang ay napapa iling.

Habang sa tuwing nakikinig ng mga musikang animoy nakikipag libing.

Sa lungkot, dahil lang ba sa malungkot ako kaya ninanais na bumalik sayong piling?

At natatakot na mapag isa sa pag dilat ng aking mga mata,

Oh nakakaba, kaso ayokong maabala ka pa,
dahil sa nakikita ko maski sayong mga mata na masaya kana.

Masayang talaga, nasayang ang mga bagay na dati'y mahalaga.

Nasanay na lamang akong matulog ng maaga.

E.G

Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon