Ala-ala ng isang Ina

1.7K 1 0
                                    

Ako'y lubos na nagpapasalamat sa aking ina

nang dahil sa kanya ay nakita ko ang mundong kaaya-aya

mundong kay saya dahil katuwang niya ang aking ama

kaya ako'y nagulat ng biglang nagpaalam ka na

Napakasakit sa akin at sa amin ang iyong paglisan

Ina, bakit bigla mo na lang kami iniwan?

Ni hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko sayo

na makatapak ka sa sarili mong mansyon

Ngayon, hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas

na sa bawat sulok ng tahanan ay ikaw ang bakas

pakiusap na sana bumalik ka na

dahil wala nang mapaglalagyan ang luhang ilalabas ko pa

Maraming salamat sa di matawarang pagmamahal

palagi kang nandito sa puso namin yan ang palagi mong pakatandaan

ang iyong mga luto, payo at sermon ay hindi ko makakalimutan

dahil ang ala-ala mo ay mananatili dito magpasa walang hanggan.

J.

Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon