Nakakapagod

188 1 0
                                    

Away dito, away doon
konting pagtatalo, iwasan ay todo
oo aaminin ko minsan ay nakakapagod
ngunit masasabi ko rin na ako ay lunod.

Lunod sa pagmamahal mo na mahirap ispelengin
na kailangan ko pang kunin ang iyong pansin
oh mahal, palagi na lang ba tayo ganito
pero ganun pa man ay mas malaki parin ang respeto ko sayo.

Respeto na kayang tiisin ang lahat
na kahit ang puso ko'y maroon ng pilat
na alam kong iyo'ng kagagawan
ikaw parin ang binabalik-balikan.

Wag sana tayong umabot sa puntong kinatatakutan ko
ang mabanggit ang salitang sawa na 'ko
dahil kung ako ang magdedesisyon
ayokong humantong tayo sa ganong sitwasyon.

-- J.E

Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon