CHAPTER 6 ~ Flaw ~

92.5K 2.5K 222
                                    

CHAPTER 6

PHOENIX' POV

"Bro."

Inalis ko ang tingin ko kay Mira na nagkakasiyahan kasama ang ibang babaeng agent para harapin ang nagsalita. "Hermes."

Tinanguhan niya ang bartender at ilang sandali lang ay binigyan siya no'n ng kopita ng alak. Sumandal siya sa mini bar katulad ng ginagawa ko at tumingin din siya sa gawi nila Mira. "Umalis na si Snow."

"I know."

Nakita ko siya kanina na kasama si Waine na umalis. Alam ko na napansin din iyon ng ibang mga agent pero katulad nila ay wala akong sinabi. Dahil wala na akong magagawa.

Gusto kong magalit pero wala akong karapatan. Pareho naming pinili ito. Pinili ko na maging ganito.

Hindi ko alam kung kailan ko eksaktong minahal si Snow. Dahil unang beses pa lang namulat ang mga mata ko sa salitang pagmamahal wala ng ibang nakita ang puso ko kundi siya. But like her I don't want to ruin the friendship we have. Natakot din ako na masira ang kung ano ang meron kami. Lagi kong iniisip noon, kahit na hindi niya malaman basta nasa tabi ko lang siya. I rather have her as my friend than to never have her beside me.

Pero sa paglipas ng mga panahon hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko sa kaniya. I asked her again and again if we can have something more than we already have. At sa bawat pagtanggi niya lalong nababalot ng takot ang puso ko na ipilit ang sarili ko sa kaniya. Because I don't want to lose her. So I tried to move on and I found Mira.

Hindi siya mahirap mahalin katulad ng inaasahan ko noong umpisa. Ginamit ko siya? Siguro oo gano'n nga matatawag ang ginawa ko. Ginamit ko siya para makalimutan ko si Snow. I was in a mission that time. Inutusan ako ni Dawn na bantayan si Storm, isa sa mga agent, na noon ay nagtatago sa pangalan na Serenity Hunt. Tumira ako malapit sa kinaroroonan ni Storm at doon ko nakilala si Mira.

Hindi siya mahirap mahalin. She's a good person, she makes me smile and I feel happy with her. I have feelings for her, yes. Alam ko na totoo ang mga iyon. But I also know that I don't love her as much as I love Snow. I know that perhaps I never will.

Matagal ko ng tinanggap na hindi na ako makakahanap ng babae na magpaparamdam sa akin katulad ng nararamdaman ko kay Snow. I know that and I'm okay with that. Dahil ayokong lumayo siya sa akin kapag pinilit ko pa ang sarili ko sa kaniya, ayokong masira ang pinagsamahan namin at oo, natatakot ako na hindi niya mabalik ang pagmamahal ko.

I was moving on. I was trying hard to move on.

Pero gago ako. Kasi sa huling sandali sumugal pa rin ako. That time at the tree house I was willing to risk it all. So I asked her. Tinanong ko siya kahit na alam ko na huli na ang lahat. Kahit alam ko na sa maaaring maging sagot niya ay may masasaktan at masasaktan. I could break Mira's heart or Snow can break mine. Tumaya ako kahit na alam ko na kapag hindi niya ako tinanggap ay hindi ko magagawang talikuran si Mira.

"No."

I know I'm a coward. An asshole. But that time I can only think about this small hope in my heart that maybe...maybe this time it will be a different answer.

"No."

"Phoenix!"

Ibinaba ko ang kopita at naglakad ako patungo kay Mira na siyang tumawag sa akin. Nakangiting ipinakita niya sa akin ang kamay niya na may suot na ngayong bracelet. "Look, may iniwan pala si Snow kanina. May kapares pa na para sa'yo-"

Napatigil siya sa pagsasalita nang hinapit ko siya palapit sa akin. Sumubsob ako sa leeg niya at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa buhok ko.

BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon