CHAPTER 11
SNOW'S POV
Papaling-paling ang ulo ko sa pagsunod sa mabibilis na pagkilos ng mga nurse na siyang umaasikaso kay Phoenix. Kahit na hindi maitatangging may pagmamadali sa kilos nila ay hindi kababakasan ng tensyon ang mga galaw nila. Parang...normal lang.
"Bakit wala si Tita Autumn? Bakit hindi kayo natataranta? Mauubusan na ng dugo ang best friend ko! Mag panic naman kayo!"
Sandaling napatitig sa akin ang ibang mga nurse habang ang pinaka-head nila ay tinapunan lang ako ng tingin habang patuloy sa ginagawa niya. "Miss Snow, kumalma lang po kayo."
"Hindi ko kayang kumalma! Paano kung mawalan na siya ng dugo? AB si Phoenix! Royal Blood! Pupunta pa ba tayo sa Korea para lang makakuha ng dugo? Hindi na aabot si Phoenix! Manghihina siya, hindi makakapagsalita, hindi makakagalaw, mamamatay siya!"
Bumuntong-hininga na lang ang nurse. Sa pagkakatanda ko siya rin ang nurse na gumamot sa akin noong minsan akong mahulog mula sa puno ng mangga. Inaway ko rin siya noon dahil ayaw niya pang sabihin na puputulin niya na ang paa ko. In the end ipinaliwanag ni Tita Autumn na napilayan lang ako at hindi kinakailangan magsagawa ng amputation.
"Nasan na si Tita Autumn? Mamamatay na si Phoenix!" pagkasabi ko no'n ay hindi ko na napigilan ang pagpalahaw ng iyak.
Big girl na tayo di ba? Hindi ka na dapat umiiyak ng ganiyan. Sabi ni Kuya Waine, grow up na. "Ayoko! Ayoko! Ayoko ayoko ayoko ayokooo! Pagalingin niyo muna si Phoenix!"
Hindi ko nga alam kung paano kami nakarating ng ligtas sa headquarters. Hindi ko rin alam kung ilang gasgas na ang tinamo ng kotseng minaneho ko. I was trying to be tough because he was bleeding to death. But I can't hold myself for much longer.
I'm not that scared of blood pero hindi ko gusto na nakakakita no'n sa mga taong malalapit sa akin. Lalo na kapag alam ko isa ako sa mga dahilan kung bakit may napahamak.
"S-Snow...nasa United Kingdom ang Royal family."
Mabilis na napaupo ako sa tabi ng gurney nang makita ko na nakadilat na si Phoenix. Ang mga nurse na lalaki kasi ang kumuha sa kaniya kanina sa kotse. "Wala akong pakielam! May royal family din sa Korea!"
"Joseon Dynasty?" mahinang tumawa si Phoenix. "Hindi kailangan sa royal family pa kunin ang dugo ko, Snow. Calm down. The nurse can't panic because they need to do their job."
Impit na tumili ako sa sobrang pagkainis sa nangyayari, "Kasalanan 'to ni Kuya Waine! Hindi siya dapat nagpadalos-dalos! Nag ala-Hulk bigla bigla ng hindi man lang tayo inisip! Hindi tayo suicidal! Hindi tayo katulad niya!"
"S-Snow..."
"Kasalan niya 'to! Kasalanan niya!"
"Umm...Snow..."
"I'm gonna kill him!"
"Snow!"
Napapitlag ako ng biglang sumigaw si Phoenix. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko siya sa pag-aakalang nagalit siya pero nginitian niya lang ako bago nagsalita, "I'm the one you're killing." sabi niya at itinuro ang mga kamay ko kung saan nanggigigil ko na palang minamasa ang braso niya.
Mabilis na binatawan ko siya, "Sorry."
"It's okay." he chuckled. "But you need to calm down. Hindi maayos ng mga nurse ang ginagawa nila kung hindi ka kakalma. Hindi naman siguro ganoon kalala ang tama ko hindi ba?" tanong niya at tumingin sa head nurse.
Tumango ang head nurse at naniningkit ang mga matang tinignan ako. Inirapan ko siya at nakahalukipkip na sumandal ako sa kinauupuan ko.
"Wag ka ng magalit kay Waine. Paniguradong sinasabon na ni Dawn 'yon."
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #5: Syntax Error
AksiAko si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kaming tinutukso ng mga katrabaho namin. Kesyo baka magkatuluyan kami o di kaya ay magsawa na siya sa a...