CHAPTER 21 ~ Always ~

96.2K 2.3K 168
                                    

CHAPTER 21

SNOW'S POV

Marahang paghaplos sa buhok ko ang gumising sa akin. Ang mukha ni Phoenix ang bumungad sa akin nang iminulat ko ang mga mata ko. May kung anong ekspresyon sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag habang nakatitig sa akin.

"Kanina mo pa ba ako ginigising?"

Umiling siya habang nananatiling nakatitig sa akin. It was as if he's afraid that I'll disappear any moment. "Hindi naman."

Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin ako sa labas ng bintana. Iginala ko ang paningin ko sa hindi pamilyar na lugar. Pagkagaling kasi namin sa mission kagabi o mas tamang sabihin ay kaninang madaling araw ay ipinalit namin ang rental motorbike niya para sa isang kotse.

Sa totoo lang pareho naming hindi alam ni Phoenix kung saan kami pupunta. Basta nagmaneho lang siya. I guess we just don't to go back home. Back on our separate lives.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas ako. Bahagya kong niyakap ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin habang napapangiti na pinagmasdan ko ang tanawin sa harapan ko. Hindi ko ininda ang mahaba kong buhok na nililipad ng hangin habang paminsan-minsan ay tumatabing sa mukha ko.

The place looks magical. Napapalibutan ng mga halaman na namumulaklak at puno na nagsisilakihan ang paligid. Kahit na hindi pa makita ang kulay niyon masyado dahil kaunting liwanag pa lang ang kumakalat sa langit ay hindi naikukubli no'n ang ganda ng paligid.

Naalis sa tanawin ang atensyon ko nang maramdaman ko si Phoenix na tumayo sa likuran ko at may ipinatong na scarf sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakita kong may dala siyang maliit na paper bag. Mukhang bumili pa siya talaga.

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti, "Thanks. Sorry, tinulugan kita kanina."

"Okay lang. Alam ko naman na pagod ka." sabi niya.

"Parang ikaw hindi."

Umangat ang sulok ng labi niya. Pagkaraan ay iminuwestra niya ang trail pababa sa may kataasan na pinagparadahan niya ng sasakyan. "Let's go?"

Sabay na naglakad kami pababa ng trail. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero sa kabila niyon ay nananatiling magaan ang atmospera sa pagitan namin. Hindi katulad ng mga nakaraan naming pagkikita lalo na mula ng ikasal siya.

1Pero kahit na ano pang sabihin ko, kahit ano pang kumbinsi ko sa sarili ko, alam ko na sa kaunting panahon na nagkalayo kami, marami ng nagbago. Hindi lang naman nang umalis ako nagsimulang lumawak ang pagitan sa amin. Staying at the same place with him was no different than being miles away from him. Even the pain don't have much difference. Ang pagkakaiba lang mas madali kong makumbinsi ang sarili ko na ayos lang ang lahat kapag malayo ako sa kaniya.

But today, we're just Phoenix and Snow. Ngayon kahit saglit lang ay wala munang pagpapanggap. "Saan mo nga pala nalaman ang lugar na 'to?" basag ko sa katahimikan.

Napapakamot sa ulo na nilingon ako ni Phoenix. "Hindi ko din alam eh. Nadaanan lang natin kanina. At saka..."

"At saka?" Nag-iwas siya sa akin ng tingin pero sa kabila ng bahagyang dilim ng paligid ay napansin ko pa rin ang pamumula ng mga pisngi niya. "Hello? Earth to Nix Nix?"

"Nature call." he blurted out.

Namilog ang mga mata ko. "Ay weh? Saan?" Nagpalingon-lingon ako sa paligod. "Mukhang wala namang establishments dito ah." Hindi kaya merong comfort room na itinayo para sa mga byahero? Parang iyong ilan na MMDA urinals sa Pilipinas. O kaya..."Sa puno?"

"We should probably change the topic." namumula pa rin ang mga pisngi na sabi niya. "Nauuhaw ka ba? May gusto ka bang inumin?"

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay bahagyang natawa ako. "Parang hindi maganda na follow up topic iyong sinabi mo."

BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon