CHAPTER 16 ~ Positive ~

93.1K 2.3K 299
                                    

CHAPTER 16

SNOW'S POV

FIRST DAY - Seattle Washington

Maghapon na ata akong umiiyak. Imbis na gumala ako at i-enjoy ang ganda ng Seattle ay nagkulong lang ako sa tinutuluyan ko na condominium. Nagpapadeliver lang ako ng pagkain dahil kahit may kusina sa tinutuluyan ko ano naman ang gagawin ko? Magluto? Right. Para mapatalsik ako sa lugar na 'to kapag pinaapoy ko ang condo.

I want to go back home. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko. Namimiss ko na ang mga magulang ko. Namimiss ko ng kumain ng mangga.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Ang gulo-gulo!


TWO DAYS LATER

I think I'm dying.


THREE DAYS LATER

I'm still dying. I want to go back home.


FOUR DAYS LATER

I'm still dying. But I don't want to go back. Tama lang na umalis ako. Ayokong malaman ng mga agent ang nangyayari. At ayokong maging selfish. Ayoko na hingin sa kaniya ang hindi dapat. Tama lang na nandito ako.

Tama lang ang naging desisyon ko.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at tinungo ko ang kusina. Napabuntong hininga ako ng makita ko ang chinese take out nasa ibabaw ng island. Sawang-sawa na ako sa kakaorder.

Namimiss ko na ang luto sa BHO CAMP. To think na apat na araw pa lang akong nawawala. Ano pa kaya kapag buwan na ang lumipas?

Idagdag pa na inip na inip na ako dito. Ayoko namang lumabas dahil wala naman akong kakilala dito. Mga foreigner pa ang mga tao obviously. Kung bakit kasi dito ko pa naisipang pumunta. Pwede namang sa Visayas o sa Mindanao. O kaya sa Cavite din. Yung tipong pwede akong lumangoy papuntang T agaytay.

Hindi naman ako nagtatago. Lumalayo lang.

Napatiim bagang ako ng tumunog ang telepono ng condo. Iisa lang naman ang maaaring tumawag sa akin dahil hindi pa naman ako nakakabili ng new prepaid card. Iisa lang naman ang taong nakakaalam na kung nasaan ako talaga.

"What?" I hissed at the phone.

"Wow, akala ko ba bff na tayo? Parang hindi mo naman ako namiss. Mamaya na nga lang ako tatawag. May balita pa naman ako-"

"Hold up!" Napabuntong-hininga na lang ako ng marinig ko ang paghagikhik ni Athena sa kabilang linya. "Anong kailangan mo?"

"Pilitin mo muna ako."

Hindi ko alam kung paano nakatagal si Hera kay Athena. Parang sasabog ang ulo ko kapag kausap ko siya. Pero kung sabagay pareho naman silang mahirap intindihin ng kaibigan niya.

"Athena." I said with a warning tone.

"Please?"

Bumuntong hininga ako ulit. "Please?"

"Well...dahil pinipilit mo ako, gusto ko lang ibalita na nasa mga kamay kong magaganda, makinis, masarap hawakan, masarap halikan, masarap ipahawak sa-"

"Athena!" napapangiwing sigaw ko para pigilan kung ano mang nakakadiring bagay ang sasabihin niya.

"Mga taong nawawalan na ng ganang mabuhay ang resulta ng iyong blood test." natatawang pagpapatuloy niya. "Ikaw, Snow ha. Nagiging green minded ka na. Ituloy mo lang 'yan!"

BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon