CHAPTER 30 ~ Martins ~

120K 2.4K 158
                                    

CHAPTER 30

SNOW'S POV

3 weeks later...

"Snow, you need to stop eating."

Sinimangutan ko ang kapatid ko na si Freezale nang tangkain niyang kunin sa akin ang tupperware na naglalaman ng hiwa na mga mangga. Dala ito nila Momma kahapon. Pinadadala daw ni Phoenix. Kahapon kasi hindi na kami pinayagang magkita. Because of the tradition of course.

"Ayoko nga. Nagugutom pa ako eh."

Nameywang si Freezale. "Hindi ka nagugutom, okay? Stop eating this. Mamaya atakihin ka na naman ng heartburn. Natatandaan mo pa ang bilin ni Tita Autumn di ba? Too much is not good. Pati na ang stress dahil inaatake ka ng stomach cramps."

"Anong gagawin ko eh gustom pa ako?" nakangusong reklamo ko.

"Kinakabahan ka lang."

"Bakit naman ako kakabahan eh si Phoenix naman ang pakakasalan ko? Hindi ako kinakabahan, promise."

Hindi ko alam kung para sa kapatid ko ang sinabi ko o para sa akin dahil kanina ko pa pilit na iniignora ang imaginary drummer sa loob ng dibdib ko. Katatapos lang akong ayusan at nasuot ko na rin ang damit ko. Iniintay ko na lang sila Momma.

"Akin na..." sabi ni Freezale at hinila ang hawak ko. "Sabi!"

Lalong nalukot ang mukha ko nang tuluyan na niyang makuha ang tupperware. Sandaling napatigil ako ng may maisip at pagkatapos ay lalo ko pang pinalukot ang mukha ko na tipong bubunghalit na ako ng iyak.

Imbis na umepekto ay tinaasan lang ako ng kilay ni Freezale. "Hindi na 'yan tatalab sa akin. You're getting married. Meaning, malaki ka na."

Natawa na lang si Athena at Serenity na nanonood sa amin. My maid of honors.

"Ate Freezale!" angal ko.

"Mas nauna kang lumabas."

Akmang makikipagtalo pa sana ako nang mapatigil kami dahil sa pagkatok sa pintuan. Mabilis akong napatayo dahilan para mabangga ko ang lamesa sa tabi ko. Gumalabog iyon pero hindi ko pinansin.

"Omg! Is it time? Nandiyan na sila momma? Omg! I think I'm gonna throw up! Omg omg omg!"

Naiiling na lumapit si Freezale sa pintuan. "Hindi daw kinakabahan."

"Don't open the door!" I shouted.

Pero tila bingi na binuksan pa rin iyon ng kapatid ko. Impit na napatili ako para lang mapatigil nang makita ko kung sino ang nasa kabilang panig ng pintuan, "Tita Ruby?"

Nakangiting pumasok ang matandang babae na sandaling napatigil nang mapatingin kay Freezale. Of course magugulat siya. Hindi ko naman nasabi sa kaniya na may kakambal ako o na isa ako sa triplets.

It's been almost two months since I last saw her. Inimbitahan ko siya pero hindi ako lubos na sigurado kung makakarating siya. I even sent her an invitation before I even finalize my wedding gown. Ang kaso ng mga panahon na iyon ay umakyat pala siya ng Sagada dahil doon siya orihinal na nakatira. Ang mga anak lang niya ang nasa Manila.

"You look beautiful, dear."

Napangiti ako. "Thank you, Tita. Buti po at nakapunta kayo."

"I wouldn't miss it for the world." she whispered, her hand reaching for the pendant on my necklace. "I'm glad that this ring can finally bring two people together."

Napangiti ako at nagbaba ako ng tingin sa sing sing ni Tita Ruby na ginawa kong pendant ng kwintas. "Ang liit ng mundo. Hindi ko alam na ang ring band na itinago ng mapapangasawa ko ay ikaw pala ang nag ma-may ari, Tita." akmang aalisin ko ang kwintas pero pinigilan ako ng babae.

BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon