CHAPTER 15 ~ Yes ~

90.5K 2.6K 334
                                    

CHAPTER 15

SNOW'S POV

Sinag ng araw ang gumising sa akin. Gumulong ako at ibinaon ko ang mukha ko sa unan para makabalik sa tulog pero gising na gising na ang diwa ko. Gusto ko pang matulog dahil sa totoo lang halos hindi naman ako na tulog.

Madaling araw na ata ako dinalaw ng antok at paputol-putol ang tulog ko. I know it's because of stress. Hindi naman ako ganto dati. Idagdag pa na iniisip ko ang resulta ng test na pinagawa ni Athena. .

Napabuntong-hininga ako at tumayo. Hindi na rin naman ako makakabalik sa pagtulog. Nag-iinat na naglakad ako palabas ng kwarto at tinungo ko ang kusina. Bahagyang akong napangiti nang makita kong may naka styro na pagkain doon.

Mukhang dumaan sila Kuya. Malamang nag-aalala na hindi ako kumakain. Nakangiting umupo ako sa stool at binuksan ko ang styro. Lumawak ang pagkakangiti ko ng makita kong pancake, sausage at may manggo slices sa ibabaw iyon. Hindi ko man aminin ng malakas pero namimiss ko na ang pagkain ng mangga.

Maganang sinimulan ko na ang pagkain pero unti-unting bumagal ang pagnguya ko ng makita ko ang maliit na post it note na nakita kong nakadikit sa paper bag na pinaglagyan ng styro.

You need to eat. Pumapayat ka na. Hindi lang ikaw ang pwedeng mag-alala. I'm worried for you. So eat. I'm serious.

-Phoenix

Muli akong napangiti pero sa pagkakataon na ito ay nabahiran iyon ng lungkot. Siguro nakalabas na siya ng BHO CAMP Hospital. Hindi ko na rin siya kasi nagawang dalawin. Una, dahil sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. At pangalawa ayoko ng makigulo sa kanila ni Mira.

Marahang pinadaanan ko ng hintuturo ang sulat ni Phoenix. Katulad ng dati kapag hindi kami magkasama ay paborito niyang gawin ang padalan ako ng post it note. Bihira lang mangyari dahil lagi naman kaming magkasama noon.

"How can I ever move on if you keep on doing this?"

Pero siguro tama lang ito. Na maramdaman ko 'to. Because all along I've been putting him on this kind of situation too. Because I was too afraid. Kung sana lang hindi ko agad sinirado ang sarili ko sa posibilidad. Kung sana kahit 1% chance lang binigay ko para sa aming dalawa..

Mga bata pa lang kami pangarap na ni Phoenix ng isang buong pamilya. Sa lahat sa amin siya ang naunang maisip ang bagay na iyon. Madami siyang pangarap para sa babaeng makakasama niya hanggang tumanda siya. At hindi iilang beses na pinaramdam niya sa akin na ako iyon. Na ako ang pinipili niya.

Hindi iilang beses na sinubukan niya. But I was too scared. Ayoko ng pagbabago. Ayoko ng hindi ko nakasanayan. I can't blame him from trying to move on. Dahil kahit sa huli inintay niya akong magdesisyon.

Kapag binabalikan ko ang mga sandaling iyon sa tree house, hindi ko maiwasang hindi siya sisihin. Bakit hindi niya ako pinaglaban? Bakit tinuloy pa rin niya? Bakit ako ang pinapipili niya? But then I realize that it was not just about me. That I can't selfishly say that he's only in love me with me. It was too late for both of us.

Pagak na tumawa ako. "Nakakainis ka naman Nix nix eh! Nakakainis ka..." Tila bukal na bumalong ang luha mula sa mga mata ko. Naiinis na pinahid ko ang mga iyon. "Ang aga-aga pinapaiyak mo na ako!"

Bumaba ako mula sa stool at padabog na kinuha ko ang styro. Inalis ko roon ang post it at pagkatapos ay naglakad ako patungo sa maliit na bintana ng kusina ng flat ko. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at doon ko pa napagpasiyahan na itapon ang hawak ko imbis na sa basurahan pero marahas na binuksan ko ang bintana at akmang ihahagis na doon ang styro ng may marinig akong mga boses.

BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon