CHAPTER 22 ~ Call ~

94.7K 2.4K 252
                                    

CHAPTER 22

SNOW'S POV

Pakiramdam ko sa loob ng siyam na araw mula nang umalis siya ay nagawa kong pagdaanan ang iba't-ibang lebel ng pag mo-move on. Hanggang makarating ako sa lebel kung saan naroroon ako bago muling dumating si Phoenix sa binubuo kong mundo.

Pagkakaiba lang noon sa ngayon ay nagagawa ko ng tignan ang sarili ko sa salamin na hindi ako natatakot sa nakikita ko. Minsan kasi pakiramdam ko si Freezale ang nakikita ko sa repleksyon ko. Like I'm pretending to be as in control as she is.

Now I realize that that is not true. That Freezale is not always independent and in control. Not when she met King. At the same time, I'm not always the bubbly and open book Snow.

Kahit ganon pa man, kahit na may mga ugali kami na taliwas sa kinamulatan naming karakterya, hindi ibig sabihin niyon ay nagpapanggap kami bilang ibang tao. It just means we're changing. We're having the chance to learn what we lacked before.

Talsik ng mantika ang nagpagising sa naglalakbay kong diwa. "Aray!"

Mabilis pa sa alas kwatro na inabot ko ang takip ng frying pan at inilagay ko iyon sa harapan ko na para bang nagsisilbing shield ko iyon habang ang isang kamay ko naman ay may hawak na slotted turner na siyang espada ko.

"Bakit ba kasi ang hirap mag luto? Bakit kapag si Ocean at si Kuya Hermes parang ang dali naman?"

Muli akong napatili nang tumalsik na naman ang mantika mula sa kawali kung saan ako nagluluto ng crispy pata. Iyon na lang kasi ang natitirang ulam sa freezer ko. Ayoko din naman umorder at sayang lang ang laman ng refrigerator ko. Ang mahal kaya ng bilihin dito sa America. Hindi pa pwedeng tumawad katulad ng nakikita kong ginagawa ni Ocean kapag natitripan kong sumama noon sa minsan niyang pamamalengke.

"Konting tiis na lang Snow. Magiging worth it din lahat. Kahit masakit at least masarap naman sa huli."

Sandaling napakunot noo ako sa sinabi ko. Parang ang pangit pakinggan. But whatever. Ako lang naman ang nandito.

Ilang minuto pa ang lumipas sa pakikipagtagisan ko sa crispy pata at tuluyan na akong natapos sa pagluluto. Sumandok ako ng kanin at nilagay ko iyon sa plato bago ko sinalin ang isang buong pata sa mismong plato ko.

Wala naman akong kasama kaya ako lang din naman ang kakain nito. Isa pa hindi pa ako nag almusal at tanghalian. Kaya kulang ang sabihin na gutom ako.

Akmang kakagatin ko na ang crispy pata nang umalingawngaw sa paligid ang tunog ng door bell. Napapikit ako ng mariin. Sino naman kaya ang umiistorbo sa akin ngayon? Wala naman akong package na tatanggapin today at wala din akong inorder.

"Argh!" sigaw ko habang ginugulo-gulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.

Nagdadabog na tumayo ako at naglakad ako papunta sa pintuan ng unit. Pinindot ko ang device sa gilid ng pintuan at napataas ang kilay ko sa nakita kong tao sa labas. Si BDW at si Deck.

Bumuntong-hininga ako at inilibot ko ang paningin ko sa bahay. Thankfully nakapaglinis ako kaninang umaga at naitabi ko ang mga gadget at baril na nakakalat lang sa sala. Ang tanging nandito lang ngayon ay ang ginagamit ko para sa strength training. Hindi naman kakaiba iyon tignan dahil mga mukhang pang exercise lang ang mga iyon.

Binuksan ko ang pintuan at ngiting ngiti na idinipa ni BDW ang mga kamay niya. "Hello, mabuhay! I'm here in front!"

Napapailing na nilakihan ko ang pagkakabukas ng pintuan. "Come in."

Kekendeng-kendeng na pumasok si BDW habang si Deck naman ay napapakamot lang sa batok na sumunod. Nang tuluyang makapasok sa loob ay pinaupo ko sila bago ako kumuha ng juice sa kusina. Pagbalik ko ay muli akong napailing ng makita ko si BDW na nakasiksik kay Deck at kulang na lang ay kumandong sa lalaki.

BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon