A/N: My heart felt gratitude to my friends and to my readers who reached out to me during the most difficult moment of my life. To be honest, wala pa sana akong balak bumalik. My supposed vacation wasn't a vacation after all. But then I realize I need to continue my life. Hindi magugustuhan ni mami na tumigil ako sa pagsusulat dahil lang wala na ang number one supporter ko :)
PS:Next update will probably be in April 1.
CHAPTER 12
SNOW'S POV
I should be happy with the result. Pero hindi maitatanggi na may parte sa puso ko na gusto na maging iba ang resulta no'n. That there's a part of myself that want to have that child. A child that is a part of him. Something that we created. Dahil alam ko na iyon na lang ang isang bagay na galing sa kaniya na pwede kong matawag na akin. Na wala akong kahati.
Pero alam kong mali. Hindi dapat na hangarin ko ang bagay na iyon. And what can a child feel when he realize that he is not wanted? That he will never have a father? At paano ko maitatago sa pamilya ko? Kay Phoenix? And most importantly how can i be a mother? I can barely take care of myself.
Siguro tadhana na mismo ang gumawa ng desisyon. Dahil simula pa lang mali na ang nangyari. It was my fault because I was too messed up. Hindi ko magawang magpakatotoo pero naging makasarili pa rin ako hanggang dulo. This is okay. This is the right thing. I will be fine. I need to.
NAPAPITLAG ako ng maramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin at napasimangot ako nang makita ko na si Kuya Waine lang iyon. Hindi ako pumunta sa debriefing kahapon kaya hindi kami nagkita. Hindi ko rin naman siya gustong makita dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kaniya sa mga oras na iyon.
"What?"
"Galit ka pa." He said as a statement and not a question.
"Obviously."
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya nilingon. Nanatili lang nakapako ang tingin ko sa BHO CAMP Hospital na nasa tapat ng kinauupuan kong bench.
"Hindi ko naman gusto na ipahamak kayo."
"Right." I scoffed.
"Fine, I admit, nawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Sinabon na ako ng sobra-sobra ni Storm at ni Dawn, 'wag kang mag-alala." Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya. "I just can't let them take my brother away. Just the thought that he will be free threw me on edge. For what he and Wyatt have done to me and my mother, I just can't let him go. Alam kong hindi iyon rason para ipahamak kayo. I've been stupid and I admit that. It won't happen again."
Hindi mapigilan ang sarili na napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa harapan niya ngunit parang wala siyang nakikita. He's speaking but it feels like he's miles a way.
"Nanggaling na ako kay Phoenix kanina. I told him that I'm sorry. He's angry at me actually. He nearly open his wound again by trying to get to me." he chuckled. "Akala ko nanggagalaiti siya dahil nasugatan siya ng dahil sakin. But do you know what he told me?" he asked, finally looking at me.
"What?"
"He told me that he'll kill me if I put you in danger again. That man must really love you."
Nag-iwas ako ng tingin. "Natural lang na magalit siya. Best friend ko si Phoenix."
"Alam mo ang totoo."
"Anong silbi no'n? May mababago ba?" bulong ko.
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko pero may hikbi pa rin na kumawala mula roon. Iyakin ako, oo. Pero nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na maintindihan ang mga emosyon ko. Nawawalan ako ng kontrol.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #5: Syntax Error
AcciónAko si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kaming tinutukso ng mga katrabaho namin. Kesyo baka magkatuluyan kami o di kaya ay magsawa na siya sa a...