AUTHOR'S NOTE

87.7K 2.1K 128
                                    



AUTHOR'S NOTE

Bago ang lahat ay gusto ko munang ipaliwanag ang 'purpose' ng BHO CAMP 3rd Generation Series.

Una niyong mapapansin ay wala ang salitang 'agent' sa mga title. Dahil sa The Camp pa lang sinimulan ko na ang transition ng storya. The 3rd Generation are not made to focus on the character's life as an agent. Nagpopokus ito sa mismong storya nila.

Sa BHO nakapokus ang lahat sa paghihiganti ng organisasyon. It was focused on action rather than the character's development. Sa The Camp, halo. Sa BHO CAMP mas limitado ang action at mas lamang ang character development.

The story line may get predictable but that's only because this generation are made that way. Nakasentro ang atensyon ko sa ipinaparamdam ko sa inyo, sa pinaiintindi ng mga characters kesa sa pansandaliang 'thrill'. If you're not getting it then stop scanning my words and start to actually read it.

And as always, I want to thank all my readers for supporting me up to this book at hopefully sa mga susunod pa. This year for me was really difficult. Hindi iisang beses na gusto ko ng tumigil sa pagsusulat. But because of you all, I'm still here. Dahil sa suporta, pagmamahal at pagdamay niyo sa akin sa napakaraming bagay ay nananatili ako rito at nagsusulat.

I was once a little girl who have no dreams. Maliit pa lang ako hindi ko na alam talaga kung anong gusto ko na maging paglaki ko. Hindi katulad ng iba na gusto mag doktor, abogado, pulis at kung ano ano pa. Ang alam ko lang mahilig akong magbasa. Iyon lang ang bagay na may interes ako.

Then when I out grew my picture books when I was in grade 2, I found this tagalog pocketbook from Precious Hearts Romances. Sa cover nakita ko na tumatangap sila ng mga 'writers'. Mula ng araw na iyon sinabi ko sa sarili ko "Gusto ko maging writer."

Kaya lang ng mga panahon na iyon hindi ko alam kung paano gagawin 'yon. I'm not as great as my idols. Years and years akala ko pangarap na lang talaga. Then one day, nalaman ko ang tungkol sa Wattpad. Dahil sa site na ito nabigyan ako ng opportunity na magsimula.

No, hindi ako mahusay agad. I was fitting in to this community and I was clueless. Oo, isa ako sa mga tinatawag nilang 'JEJE writers'. But I never stopped. I never gave up. Iyon ay dahil sa inyo.

Unti-unti natuto ako. And I promise that I will keep on growing. Every time I want to give up, I'm gonna look back and look at the people at my back who keep on supporting me and pushing me forward. At kung isa ka sa nakakabasa nito, salamat. Dahil isa ka sa mga taong iyon.

You made me who I am.


BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon