CHAPTER 8
SNOW'S POV
"Snow!"
Saglit akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Nakita ko si Kuya Thunder na kasama si Fiere at Kuya Hermes na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. "Bakit?"
"Ano ba 'yang pinapanood mo at mukhang hindi ka mapuknat diyan?" tanong ulit ng kapatid ko.
"Stuff."
"Like?"
"Stuff." ulit ko at umayos ng puwesto para hindi nila makita ang nasa screen ng cellphone ko.
Hindi ko na sana sila papansinin pero sa pagkagulat ko ay biglang pumalahaw ng exaggerated na iyak ang kapatid ko habang umaarte naman ang mga kasama niya na para bang inaalo siya. Sa itsura ni Kuya parang may kalagim lagim siya na natuklasan at ngayon ay kasalukuyang nadudurog ang puso niya.
Bumuntong-hininga ako at ibinaba ko ang cellphone ko bago ko tinanggal ang suot na earphones. Umaatake na naman ang pagiging abnormal ng kapatid ko kung saan kinakailangan siyang pansinin ng lahat. Hindi ko naman iyan pinapansin dati kapag ganiyan ang trip niya dahil halos pareho naman ang ginagawa namin. Si Freezale lang ata ang matino sa aming tatlo.
"Hindi bagay sa'yo Thunder."
Kinuha ko ang orange juice sa harapan ko at uminom roon. Urk. I don't like this. Pilit na inignora ko ang lasa ng iniinom at pinagmasdan ko si Kuya Thunder na ngayon ang atensyon ay na kay Hera na siyang nagsalita kanina.
"Bakit ano bang bagay na gawin ko?" tanong ni Kuya sa kaniya.
Bago pa makasagot ang babae ay naunahan na siya ni Fiere na ngising-ngisi. "Kalabitin mo si Hera- Oops. I mean, kumalabit ka ng gitara at pakikinggan ni Hera."
Sabay na napatingin si Hera at Thunder kay Hermes na ngayon ay nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa. Mabilis pa sa alas kwatro na nagbawi sila ng tingin at nagkaniya-kaniya na ng palusot para makaalis sa mabigat na titig ni Hermes.
"Fiere, mah brother, halika may gagawin tayo." sabi ni Thunder at inakbayan si Fiere bago hinila paalis.
"Hoy! Saan mo dadalin ang kapatid ko? Pagsasamantalahan mo siya no?" sigaw ni Aiere na kanina ay kausap si Chalamity. Patakbong sinundan niya ang mga ito.
"May lakad pa pala kami ni Athena." bulong ni Hera at mabilis na tumalilis na rin ng alis.
Naiwan kami ni Hermes. Nakatingin lang din siya sa akin habang ako naman ay walang kurap na nakatingin din sa kaniya. Pagkaraan ay nauna na akong nagsalita, "Amm...Kuya Hermes? Wala ang sagot sa mukha ko."
"Ha?"
Kinuha ko ang walang grado na salamin na hinubad ko kanina at muli kong sinuot iyon. Itinaas ko pa ang hintuturo ko na para bang isang guro na may tinuturuan. "Karamihan sa mga bagay na tinatanong natin sa sarili natin ay may sagot. Pero minsan tayo ang pumipili na hindi makita ang mga sagot na iyon."
Sunod-sunod na napakurap siya. Ilang sandali lang ay sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Wow. Talo ang killer smile ni Killian.
"Snow?"
"Yep?" tanong ko na nakataas pa rin ang hintuturo.
"May sense ka din pala kausap no?"
Ouch. "Narinig ko lang iyon somewhere. Pinalawak ko lang."
"Saan?"
Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil lumabas ang isang kitchen staff at tinawag siya. Muli akong napabuntong-hininga at ipagpapatuloy ko na sana ang pinapanood ko kanina nang biglang sumulpot sa harapan ko ang taong nasa maliit na listahan ko ng mga taong ayokong makita.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #5: Syntax Error
ActionAko si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kaming tinutukso ng mga katrabaho namin. Kesyo baka magkatuluyan kami o di kaya ay magsawa na siya sa a...