All rights reserved © 2016 by LoveMishap
New Environment and New Friends ...
|Chantal's POV|
Brixton London
Ang Nakaraan ....
I knocked on the door waiting for my mom to open it for me while clutching the straps of my back pack. Ngayong araw na ito, sobra ang aking pagod. Parang kaytagal ng oras kapag may exam, at antok na antok pa ako dahil late na ako nakatulog dahil sa Korean teleseryeng pinanood ko kagabi. Sa wakas nasa harapan narin ako ng aming apartment.
Imagining my soft bed and my favorite SpongeBob yellow pillow, I smiled.
Mahigit limang minuto na akong nakatayo sa harapan ng pintuan namin, knocking, ngunit wala parin akong naririnig na yabag mula sa loob ng bahay para pagbuksan ako. I forget my keys dahil sa kakamadali ko kaninang umaga. Hindi ko narin ito binalikan dahil alam kong walang pasok si mommy.
Pinihit ko ang seradura at napatigil ako. It wasn't locked. Nangunot ang noo ko.
Laging nakalock ang pinto sa pagkakaalam ko, unless, someone uninvited is inside. Did someone broke into our apartment?
I twisted and pushed it open, and then peek my head through, all the while calling for my mom.
"Mommy!" kinakabahang tawag ko habang patingin-tingin ako sa loob ng apartment.
I scanned the room for any sign of robbers, but it's all the same; clean and organized, so I walk in and toss my bag pack on the couch.
Sigurp nakalimutan ni mommy na isara ito. Nawala naman ang aking kaba.
I was about to walk to the kitchen to grab some water when I heard a muffled sniffing sound. Parang may umiiyak? At nanggagaling sa kwarto ni mommy at daddy?
Mabilis ko namang nilapitan ang pintuan nila na hindi rin kalayuan sa kusina. Pinihit ko ang seradura at pumasok. There I saw my mom curled in their queen size bed, crying in a fetus position. My heart clenched at the sight before me.
Why is she crying?
I walk closer and perched on the edge of their bed.
"Mom," mahinang tawag ko, sabay haplos sa balikat niya. Tumigil siya sa pag-iyak saka siya tumingin sa akin sabay hagulgol ng mas malakas pagbangon nito, and then pulled me closer —hugging me tightly like her life was depending on me. Bigla akong kinabahan. Mom never acted like this before nor break down in front of me.
"What's wrong, mom?" Tanong ko ng sunud-sunod, naguguluhan parin sa nangyayari habang pinipilit kong patatagin ang boses ko. Para kasing kinukurot ang puso ko.
"Your dad—" she hiccups, sniffing momentarily and went on, "wala na!" Sabay hagulgol ulit ng pagkalakas lakas kaysa kanina. Para naman akong binuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig. Naramdaman ko ang luhang nagbabadyang tumulo.
I involuntarily rub her back in circles trying to sooth her, all the while holding back my own emotions. I felt like a big lump suddenly stuck in my throat and I can't breathe either.
"Si daddy wala na?" mahinang usap ko, pigil na pigil rin ang luha habang nakatitig ako kay mommy ng naguguluhan, na ngayon ay inilayo ang sarili sa akin, at umalis sa higaan saka umupo sa tabi ko. "Patay na si daddy?" garalgal kong usal.
"No!" mabilis namang sagot ni mommy. "No, no, baby. You got it wrong," umiling si mommy. "He left us!" sabi nito, pilit pinapatatag ang boses, sabay punas sa mata niyang basang-basa ng luha.
BINABASA MO ANG
The Devil's Angel |Montoya Series 1|
General FictionCOMPLETED (Highest Rating so far #10 as of Oct. 19, 2016) Warning: Contains mature scenes and it's in Tagalog-English. ......................... excerpt: "You look even stunning. And I'm going to win you back. Aagawin kita sa pangit na iyon...