Cause and Reasons ...
|Tristan's POV|
"I heard that you're dating someone," tiningnan ako ni daddy habang binababa ang kubyertos nito sa tabi ng plato niya. I was with them tonight, dahil kakauwi ni dad from Germany sa expansion ng negosyo nito.
I heard he was trying to invest into that hotel business ng kaibigang niyang si Rodrigo Contreras, that's why andito sila ngayon dining with us, kasama ng anak niyang si Tamara Contreras na parang barbie lang sa kapal ng make up niya. She's pretty, pero mukhang hindi sya yung babaeng pang-altar. Kumbaga pangkama lang.
Pilit kong iniignora sya, dahil kanina pa nakatitig sa akin na parang kakainin ako ng wala sa oras. Iritang-irita na ako at gustong-gusto ko ng umalis, kanina pa.
"Where did you hear that news, dad?" walang-ganang tanong ko saka patuloy na kumakain sa parang chewing gum na steak ko.
"I heard he's dating my classmate named, Chantal Leigh Arismendi." Napatingin ako kay Tamara ng nakakunot-noo. Hindi ba nito naintindihan ang ibig sabihin ng family matter?
Ngiting-ngiti pa ito habang papalit-palit ang tingin sa amin ng daddy ko. Si daddy naman nagliwanag ang mukha.
"Is she the daughter of the tycoon hotelier, Marquis Eugenio Arismendi?" interesadong tanong niya.
Gusto ko sanang matawa dahil halatadong puro pera ang habol niya. Kahit kailan talaga. "No, dad!" I shook my head, saka ko inabot ang tubig ko at ininom habang ang mata ko hindi binibitawan sya. Masarap lang kasing panoorin kung papano nag-iiba bigla ang reaksyon ng mukha niya.
"Don't you think Mr. Arismendi's kids should be in Brazil studying, instead here in the Philippines, Amigo?" Tanong ng ama ni Tamara na half Spanish at half Filipino na isa ring nagmamay-ari ng chain of hotels sa buong Asya.
Dad shrugs his shoulders. "Yeah, you're right." Natawa si daddy. "So who is this girl then?" Dad asks after a while. Akala ko nakalimutan na niya after silang nagtawanan.
"Is she a daughter of a prominent family?" tanong na naman niya. Nakatingin lang lahat sila sa akin, pati kapatid ni Tamara na si Trey Kevin or TK as they call him, na mukhang kanina pa din gustong umalis. Nauna lang ito ng dalawang taon sa akin.
"No," I responded curtly. I really hate now his tone.
Kung kanina ang liwanag ng mukha niya, ngayon ay nagdidilim na. I know why. "Then, sino sya?" Mukhang naiinip na ito. Tumutumpik-tumpik ang hintuturo niya sa lamesa habang nakatitig sa akin. Lahat ng tingin nasa akin at nag-aatay ng response ko.
Huminga ako ng malalim. I know masashock si daddy at si tita Angela, stepmom ko once malaman nila kung sino. "It's lola Siding's grand daughter." Proud kong sabi. As her face flashed through my head, a ghost of a smile formed in my lips.
I didn't even noticed dad's shocked face.
"You mean, Shayla Royo?" ng marinig ko ang gulat na gulat na boses ni tita Angela, biglang napawi ang ngiti ko at napatingin ako sa kanya.
I'm right. They are all shocked, well except the family of Tamara, who has no idea who Shayla Royo was.
Ang madilim na aura ni daddy kanina as mas lalong dumilim, indicating that he's beyond mad. "I don't like that girl for you." Dad declared without preamble saka ako pinakatitigan ng may malalim na dahilan. "I hope you do realize that you are destined to marry someone that has the same lifestyle as ours," dad stated grimly.
Kumuyom ang mga kamay ko. "At sino naman ang para sa akin, dad?" pinipilit kong maging kaswal kahit na nag-iigting na ang bagang ko sa walang pakundangang pahayag niya. Hindi niya pwedeng pangunahan ang anumang gusto ko. Hindi sya ang magsasabi kung ano ang gusto kong gawin ang kung sino ang gusto kong makasama.
BINABASA MO ANG
The Devil's Angel |Montoya Series 1|
General FictionCOMPLETED (Highest Rating so far #10 as of Oct. 19, 2016) Warning: Contains mature scenes and it's in Tagalog-English. ......................... excerpt: "You look even stunning. And I'm going to win you back. Aagawin kita sa pangit na iyon...