Kabanata 33

40.2K 1K 11
                                    

|Tristan's POV|

            MALALAKI ang mga hakbang ko palabas hanggang sa makarating ako sa likuran ng bahay. Hindi ako tumigil hanggang sa umabot ako sa malapit sa baybayin.

Tumigil ako ng makarating ako sa may dalampasigan at tumingin sa walang hanggang dagat. Wala na ang araw at ang bilog na buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa akin. Kumikislap ang tubig tuwing nasisilayan ng buwan na parang diyamante. 

Ang lagaslas ng tubig at pagsalpok ng alon tuwing nagsasalubong ito at ng buhanginan ang siyang  naririnig lang sa gabing ito, na nahahaluan ng medyo malabong ingay ng mga kuliglig.

Ramdam na ramdam ko ang luhang nagbabadyang pumatak dahil sa inis at galit. Hindi ko alam kung bakit sobrang importante sa akin ang pagpapakasal nila daddy. He's right. We could get married anytime we want.

The question is, gusto ba niyang pakasalan ako? From what I saw today, she wasn't happy seeing me. 

Frustrations keep building up and my hope slowly plummeting into the ground. 

"ARRGGHHHH....." sigaw ko ng pagkalakas lakas, saka sinipa ang buhanginan sa inis at galit, para maibsan lang ang bigat ng nararamdaman ko. Hinayaan ko narin ang luhang gustong kumawala. Pinikit ko ang aking mga mata ng mariin. 

Biglang sumingit sa aking isip si Leigh. Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin at hindi ko maintindihan. Wala akong alam na ginawang mali, bigla nalang nanlamig ang pakikitungo sa akin. Dumagdag sa inis ko sa akin ama.

"Arrgghhh..." sigaw ko ulit ng malakas at saka pinagsisipa-sipa ang buhanginan habang sigaw ako ng sigaw upang mailabas lahat ang sama ng loob ko na hindi ko maintindihan. 

Nang mapagod ako sa kakasigaw at kakasipa, napaupo ako sa buhanginan hindi alintana na naka office outfit pa ako saka tumitig sa kawalan. 

Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Sobrang bigat din at hindi ko alam kung papano ito pagaanin.

"Hi," mahinang boses ang nagpagising sa akin. Bumaling ako sa likuran ko at nakita ko si Leigh na nakatayo mga ilang hakbang lang. Bigla akong napatayo. Nakayakap ito sa balikat niya dahil siguro giniginaw ito. Bigla akong nag-alala. Nasa pangpang kami at ang malamig ang simoy ng hangin. Inalis ko ang aking itim na coat at nilapitan siya. 

"Kanina kapa ba?" tanong ko sa mahinang boses habang ipinatong ang coat ko sa kanya.  

"Salamat," sabi nito sa mahinang boses rin.

"Okay kana ba?" tanong niya. Nakatitig lang ito sa akin habang kipkip ang coat ko.

Nilagay ko sa bulsa ang aking mga kamay saka tumingin sa paligid. "Paano mo ako natunton?" tanong ko, paiwas sa tanong niya.

"Sinundan kita. Medyo nawala ako kaya lang narinig ko ang sigaw mo. Sinundan ko nalang," sagot niya.

Tumitig ako sa kanya. "Hindi kana sana sumunod. Malamig dito tsaka malamok. Nakashort kapa," sabi ko.

"Nag-alala kasi ako," sagot niya saka tumingin sa likod ko kung saan nakaharap sa tubig. Tumingin ulit siya sa akin. 

"I want to marry you, Leigh. I can't wait anymore," sabi ko. Nakatitig ako sa mga mata niya ng matiim. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero nagpipigil lang ako. 

"Don't you think it's too early? I don't even know kung ang tiwala ko sayo buo na? I don't want to make a drastic move and then each time, lagi akong nag-iisip na baka may kasama kang ibang babae. I don't want to live with you, pero lagi akong nagdududa," sabi nito. 

"I know I've left a deep scar in your heart." Pag-uumpisa ko. "I'm willing to mend that scar, but waiting is my weakest point. I'm not getting any younger, Leigh." Nag-unahan nang tumulo ang mga luha ko. Kahit gusto kong pigilan, it was impossible. "I want to have my own family, with you. This luxury I have, it's worth nothing. I still felt empty." Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi pinapakawalan ang mga mata niya, habang inabot ko ang mga kamay niya. "You're everything that I want and needed," sabi ko. 

The Devil's Angel |Montoya Series 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon