|Chantal's POV|
MALAKAS na katok sa pintuan ang nagpagising sa akin. Pupungas-pungas akong bumangon at pilit iminulat ang aking mga mabibigat na talukap. Grunting loudly, tumingin ako sa paligid.
Bakit iba ang ang kwarto ko?
Biglang bumukas ang pintuan ng banyo at ng lingunin ko ito, lumabas si Tristan na nakabalabal lang ng tuwalya kagagaling sa banyo.
"Morning," nakangiting naglakad ito palapit sa akin. Ngumiti lang ako. Naalala ko di pala ako makatulog kagabi sa kakaisip sa kanya. Kaya bababa sana ako para kumuha ng gatas kaso nakita ko ang ilaw na nanggagaling sa kwarto niya kaya lumapit ako para tingnan lang sana, pero ng makita ko siya, sa maliit na siwang, I don't know what motivates me to knock. Basta nalang parang may sariling isip ang mga paa ko at bibig.
The next thing I know, sumang-ayon na akong matulog sa kwarto niya.
He perched on the bed and then kissed me on the cheeks kasi iniwas ko ang aking labi. Hindi pa kasi ako nakapagtoothbrush. Tumawa siya ng marahan.
"Hindi pa ako nakapagtoothbrush," wala sa sariling nasabi ko. Nakatitig ako sa mga magagandang pares nitong mga mata. Ang malatsokolateng mga mata nito ang nagdedepina sa taglay nitong kgwapuhan, dinagdagan pa ng magandang tindig niya. Abs na sa Calvin Klein lang makikita, at mga labing napakasenswal.
Dinala ko ang isang palad ko sa kanang pisngi nya at hinaplos ito. Medyo magaspang ang ibabang bahagi ng pisngi dahil sa tumutubong balbas. "Ba't ba ang gwapo mo?" di ko napigilang nasabi.
Malakas ang tawa nito. Napapahiyang binaba ko ang aking kamay saka umiling-iling. Ano bang nakain ko ngayon? Mukhang hindi na nagcocoordinate ang isip ko, puso, at katawan.
Bumaba ako sa kama. "Kaya nga ma, wag mo na akong pakawalan para mas maraming magaganda at gwapo sa mundo," natatawang sabi nito saka ako niyakap sa likuran at binigyan ng pinong-pino halik sa aking batok. Nakikiliti tuloy ako. Kahit ang mga dugo ko nabuhay na naman. Ganito nalang lagi pag magkakadikit kami.
Laging parang binabaha ang paligid ko ng nagwawala kong hormones. Para ring akong siniliban sa sobrang init.
Humarap ako at pilit kinakalma ang naghuhuramentado kong puso at hormones. Ipinatong ko ang dalawa kong palad sa hubad niyang dibdib. Matigas ito at halatadong alaga sa gym. As I made circles around his taut chest, he let out a low growl at his breathing became ragged.
*TOK TOK TOK*
This time mas malakas at desperado. Tristan growled softly habang nakatingin sa pintuan. Saka ko naalala andito ako sa kwarto ni Tristan. Syet!
Bigla akong naalarma. "Baka daddy mo yan. Saan ako pwedeng magtago?" Dumiretso ang mga mata ko sa walk in closet niya. Tumakbo ako dun. Panay ang tawa ni Tristan. Nang makapasok ako sa malaking kwarto, isinara ko ang pintuan nito at isinandal ang aking likuran sa likuran ng nakapinid na pintuan habang pinapakalma ang malalakas na pintig ng puso ko.
Parang tinatambol ito sa lakas.
Tumingin ako sa paligid ko at puro lang hanging rod sa magkabilang wall na ilang pulgada lang ang distansya sa kisame, sa baba nito ay mga drawers at sa kabila ay made of glass na drawers, puro walang laman. Mukhang kakagawa rin ang mga ito. Mula sa aking kinatatayuan, paharap sa akin at malaking salamin, at sa magkabilaan nito ay cabinet from ceiling to floor. Sa gitna ng kwarto ay ottoman stool na pangdalawahan.
May naririnig akong bulung-bulungan sa labas at hindi ko ito mawari. Bigla akong napaatras ng marinig ko ang yabag ng mga paa na palapit sa kinaroroonan ko.
Parang bigla akong tumigil sa paghinga habang ang mga mata ko nakatitig sa pintuan na unti-unting nabuksan at iniluwa nito si Tristan. Nakahinga ako ng maluwag. Nakat-shirt na ito at short.
BINABASA MO ANG
The Devil's Angel |Montoya Series 1|
General FictionCOMPLETED (Highest Rating so far #10 as of Oct. 19, 2016) Warning: Contains mature scenes and it's in Tagalog-English. ......................... excerpt: "You look even stunning. And I'm going to win you back. Aagawin kita sa pangit na iyon...