Kabanata 16

46K 1.2K 50
                                    

----> above a picture of Brandon Rought as Tristan Ynigo Montoya.. He's another superman before Henry Caville. I thought he's hot enough to play as Tristan.

|Tristan Ynigo POV|

       "Happy Birthday, Tristan .." di magkamayaw ang mga guest sa pagbati sa akin. Mga businessman din ang mga naririto at mga maimpluwensyang tao, usually mga taong nakakahalubilo lamang ni daddy. Pagkatapos akong kinantahan ng birtday song, saka pa lamang nag-umpisa ang party. Sayawan, kainan at masayang kwentuhan ng mga imbitado. Napuno ang buong garden sa likuran ng mga bisita at mga unipormadong waiters na nagseserve sa mga guest.

Marami narin ang lasing, at naging mas maingay na ang hardin. Panay rin ang dikit ni Tamara sa akin, at ilang na ilang na talaga ako pero hindi ko ito ipinakita na kanina pa ako iritado. Kaharap ko kasi ang daddy at mommy nito na paminsan-minsan kaming sinusulyapan. Ang mga ngiti nila ay nakakaloko at gustong-gusto kong sigawan na ayaw ko sa anak nila pero nagtimpi ako.

"Sayaw naman tayo Tristan," lumapit pa lalo si Tamara sa akin saka bumulong sa akin. Ang kanyang kamay ay biglang dumampi sa hita ko na ikinaigtad ko at mabilis kong inalis ang kamay niya dahil para akong pinananlamigan agad.

"Mamaya na, Tamara. Kayo na muna ni Randy, kako at nginitian ang katabi niyang anak din ng kapwa businessman.

"May I," tumayo na si Randy at ang lapad ng ngiti. Lalo tuloy nakikita ang baku-bakong ngipin nito. Kahit papano may itsura sana ito kung hindi lang sa ngipin nito.

Dahil nakatingin ang lahat sa kanila, pilit na ngumiti si Tamara at mukhang mabigat ang dibdib nitong tinanggap ang palad ni Randy na nakalahad. Patago akong ngumiti. Ng umalis ang dalawa patungong gitna, nagsibalikan sa pagkukwento ang mga kasama namin sa lamesa about sa business nila. Pataasan ng ere at lalo akong nairita.

Sikretong akong tumalilis ng hindi nila napapansin saka ako pumasok sa exit door papasok sa mansyon. Ng makapasok ako, naririnig ko ang mga boses ng mga katulong nila daddy sa kusina.

"Nakita mo ba ang apo ko, Rene?" hindi ako nagkakamaling boses iyon ni lola Siding. Biglang naexcite ako ng napag-alaman kong andito si Leigh. Dumiretso ako sa living room kung saan siya lagi namalagi nung isang araw.

Wala ni anino niya. Nagmamadaling pumunta ako sa garden sa harap. Dun din sya nagtambay nun. Pinapanood ko siya sa balcony ko kung saan kitang-kita ko sya habang inaamoy ang mga bulaklak.

Nang makita ko siya sa dining room na naka short na sobrang iksi, tapos walang glasses, parang gusto kong bihisan siya ng mahabang pantalon para itago sa lahat ang makikinis at malaporselanang binti niya. Idagdag pa na mahahaba ito. Hindi tuloy maalis-alis ni Zack at Wilmer ang mga mata nila sa kanya. Kahit ako, nagulat din sa pagbabago niya.

Sanay na kasi akong laging nakasweatpants ito saka suot pa ang peke nitong glasses. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko na pinagpustahan siya. Gusto ko siyang suyuin ulit kaso nakita kong may kapm siya sa facebook at buti sana kung pangit ang lalake, pero dun sa picture niya, kamukha niya si Richard Alden. Tinawag pa siyang cupcake.

Bwisit na bwisit tuloy ako. Tapos dumating pa ang mag-amang Tamara.

Ng makarating ako sa garden, hindi ito maliwanag. Ang malalayong lamppost na may iba't-ibang kulay ang siyang nagbibigay ng konting liwanag sa kapaligiran. Naglakad ako sa gitna ng hardin at inilibot ang mga mata ko. Mula sa kinatatayuan ko, rinig na rinig ko ang tawanan at ang malakas ng music na nagmumula sa bar, kung saan may DJ din.

Lumibot ang mga mata ko pero wala akong nakitang ni anino ni Leigh. Mabibigat ang mga paa ko na naglakad na ulit pabalik.

"Lukaret ka. Andito ako ngayon sa bahay nila Tristan, birthday niya kasi. Ayaw akong iwanan ni lola kasi wala si lolo. Kasama niya sina lolo Bert," rinig ko ang boses ni Leigh na palapit sa kinaroroonan ko. Parang nagkaugat ang mga paa ko dahil hindi ko ito maigalaw.

The Devil's Angel |Montoya Series 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon