|Chantal Leigh|
"Kahit kailan napakaarogante mo talaga. Damuho ka!" galit na galit kong sabi para matakpan lang ang hiyang bumabalot na sa buong pagkatao ko. Alam kong ngisi-ngisi itong si Ram. Panay parin ang pagsuntok ko sa matigas nitong dibdib ngunit hindi ito umilag at pilit lang akong pinapatigil.
"So we are still in relationship, right?" narinig kong tanong ni Ram. Kahit sa seryoso nitong boses, nag-uumapaw parin sa tainga ko ang nakabalot na ngisi sa tono nito. Alam kong mamaya papatayin ako nito sa inis.
Arg.
"Of course," saka ko binigyan ng pagkatalim-talim na tingin si Tristan na ngayo'y mukhang papatay na ng tao. Bago ako nakapagsalita muli, lagabag nalang ng pintuan ang sumunod.
Lumaki ang mga mata ko ng nasaksihan kong ibinagsak ni Tristan ang pintuan sa mismong mukha ni Ram. I heard him groaned behind the door. Bubuksan ko sana ng marinig ko ang nagtatagis-ngiping boses nito.
"TRY TO OPEN THAT GODDAMN DOOR AND I WILL BREAK HIS FACE!" nagtatagis-bagang deklara nito. Napatigil ako at nakangangang tumitig sa seryoso at nakakamatay nitong mukha. A prominent frown creases that's slowly morphing into a deep exasperated scowl, glued on his forehead.
Biglang naningkit ang mga mata ko, pero ang kanya, parang nagbubuga ng apoy ang mga magaganda niyang mga mata. Para itong laser na sa pagkakatitig. Sharp and menacing.
Nagdadabog akong bumalik sa higaan at nagtalukbong sa inis. Mangiyak-ngiyak na ako sa inis.
"ARE YOU GOING TO SLEEP HERE THEN TONIGHT?" Narinig kong tanong ni Ram sa likod ng pintuan. Hindi pa pala ito umalis. Natawa ako bigla. Kahit kailan, malakas parin itong mang-inis.
"MAYBE LATER WHEN THE BEAR IS DOWN!" Malakas kong sabi saka ibinaba ang kumot sa tyan ko, habang iniiwas ko ang mga mata kong mapadako kay Tristan na nakatayo parin sa may hamba ng pintuan at nakatitig sa direksyon ko ng may pagkadisgusto.
"SHE'S NOT GOING ANYWHERE!" sigaw din nito through clenched jaws. Narinig ko ang padabog na pag-alis ni Ram at umikot ang mga mata ko sa dalawa. Para silang mga bata talaga.
I turn on my side and decided to just go to bed. Maaga pa ako magising bukas kasi iniisip kong maggala sa tagaytay kasama si Ram since andito kami sa pinas. We will take advantage of the opportunity to go sight seeing bago kami babalik ng Brazil.
I heard his footstep heading to the washroom. Nakahinga ako ng maluwag. At dahil sa mga nangyari ramdam na ramdam ko na ang pagod. Ang mga mata ko, kusa ng pumipikit dahil sa antok.
Maya-maya, bumigay na ang buong sistema ko at hinayaang tangayin na ako ng antok.
NAPABALIKWAS ako ng maramdaman kong may sumundot na matigas na bagay sa may puwitan ko. Naamoy ko ang natural na amoy ni Tristan at lalo akong nainis ng bigla akong hinapit pa nito palapit sa kanya. Madilim na madilim sa kwarto na namin. Patay lahat ng mga ilaw. Ilaw lang na nagmumula sa buwan na masyadong maliwanag ang nagbibigay sa loob, na pumapasok sa maliit na siwang ng nakasarang kurtina.
Nang tingnan ko si Tristan, humihilik pa ito. Tulog na tulog ito at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Kahit naiinis ako sa kanya, alam kong masaya ako. Masarap sa pakiramdam na katabi ko ito sa pagtulog at ang kanyang mga kamay na nakapulupot sa akin, feeling ko napakasecured ko. Siniksik ko pa lalo ang katawan ko sa kanya saka ko pinikit ang aking mga mata upang matulog ulit. Hindi naman nagtagal, nilamon na ulit ako ng dilim at napanaginipan ko pa na ikinasal ako sa kanya.
Nagising ako na may nagsagagutan sa ibaba. I bolted up right and scrambles out of the bed. Nakita kong wala na si Tristan sa tabi ko. I grab the white robes that were sitting on one of the armchairs on one corner, saka ko nagmamadaling lumabas habang sinusuklay ko ng aking mga daliri ang makakapal kong buhok na nagbuhol-buhol.
BINABASA MO ANG
The Devil's Angel |Montoya Series 1|
General FictionCOMPLETED (Highest Rating so far #10 as of Oct. 19, 2016) Warning: Contains mature scenes and it's in Tagalog-English. ......................... excerpt: "You look even stunning. And I'm going to win you back. Aagawin kita sa pangit na iyon...