Kabanata 38

43.3K 1K 6
                                    

Chantal's POV

"Mama," tawag ni Angelo sa akin habang nakatingin ito sa mga naggagandahang damit sa harap niya. Ang sarap sa tainga. Alam kong napipilitan siyang tawagin akong mama pero dahil sa medyo nagtampo ako, ngayon parang medyo nasasanay narin siya. 

Lumingon siya sa paligid at hinabol ko rin ang tingin niya. Maraming tao ngayon sa loob ng shopping mall. Pinagshopping namin siya ng mga gamit niya at kahit na anong gusto niya. Pareho kaming nakangiti ni Tristan habang pinapanood namin siyang namimili. Halatado din itong sobrang excited. Hindi maikakaila ang tuwa sa mukha nito. 

Simula ng gabing iyon na magkasama kami at sa iisang kama natulog; kahit na tumutol si Tristan na magkakatabi kaming tatlong natulog, naramdaman ko ang pangugulila niya rin sa amin, kaya sobrang saya ko. 

Nuong una, umayaw din si Angelo na makatabi ko siya sa pagtulog sa rasong matanda na raw ito, pero gusto ko siyang makatabi sa kama, kasi siya parin ang baby ko. Hindi ko man lang siya nahawakan nung baby pa lamang siya. 

Hindi naman na siya umimik ng nakita na niyang nagtatampo na ako. Nagkatinginan lang sila ni Tristan na parang sa isip isip sila nag-uusap. Tuloy parang ako ang outcast at ang dalawa, feeling close na. Pareho ang takbo ng isip eh.

"Find anything you like, son." Si Tristan na ang sumagot para sa akin habang medyo nag-aalangan pa ang anak kong pumili dahil sa dami na ng bitbit ni Francis at Eddy. 

"I already picked a lot," sabi nito.

"Are you sure?" tanong ko.

Tumango ito. "Yes," sagot nito.

"Alrigh, we can always come back," sabi ko. "Are you hungry?" tanong ko after. Nagugutom narin kasi ako. 

"Yes. I am," sagot nito.

Maya-maya nasa harap na kami ng isang restaurant sa loob mismo ng mall. Ayaw ni Tristan sa foodcourt kami dahil sa maraming tao at ayaw niyang pumila. Kaya sa loob kami ng isang de klaseng restaurant. Medyo nailang si Angelo pero hawak-hawak ko ang siko niya. 

God, sobrang saya ko. 

Magkatabi kami ni Angelo at kaharap ko si Tristan. Medyo sumimangot ito dahil hindi ko siya katabi pero ngumiti rin ito pagkatapos.

Binigyan kami ng menu ng waitress at tinanong kung anong drinks ang gusto namin. Nainis ako sa titig na pinukol nito kay Tristan na hindi naman pansin ni Tristan. 

"I'm glad you can speak English, Angelo. I would have to forced myself to learn Portuguese," sabi ni Tristan. "I can speak Japanese, Chinese, and French, other than that, I'm clueless." Ngumiti si Tristan sa anak namin.

"What is the language in Philippines?" tanong nito habang tumango-tango.

"Tagalog and English," sagot ko habang nakatitig sa mag-ama ko. Ang ngiti ko nakaukit na sa mukha ko. Hindi ito maalis-alis. 

Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ang dalawang taong pinakamamahal ko aside from my parents. Wala na akong mahihiling pa. 

"I don't have to worry then since people there can speak English," ngumiti ito. Natuwa naman ako sa sagot niya. That means to say, kinokonsider na nito ang sinabi namin na sa Pilipinas na siya mag-aral, then sa college, kahit saang bansa. He is very smart, and he could go to Harvard or oxford. According to Ronaldo he always skip class and of work most of the times, kahit na pinapagalitan na daw siya ng mag-asawa na mag-aral lang siya, pero dahil napakaresponsible niyang bata, he always sneaks out of the class dahil nagtatrabaho ito para matulungan sila sa gastusin, pero hindi parin naman daw ito nahuhuli sa klase. In fact, siya daw ang nagtatop sa mga exams at lagi daw siya ang pinapadala sa mga contest at debates. 

The Devil's Angel |Montoya Series 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon