|Chantal's POV|
"Mom, mom ... please don't leave me," he begs. Napakagwapo ng bata. Ang mga matang berde na parang akin ay nagmamakaawa habang pilit nitong inaabot ang kamay ko habang hila-hila siya ng babaeng hindi ko nakikita ang mukha dahil nakatalikod sa akin.
Nakatingin lang ako sa batang lampas na sa sampung taon. Parang pinipilas ang puso ko, unti-unti, at nag-iiwan ito ng hapdi. Nalasahan ko ang maalat kong luha na hindi ko namamalayang tumutulo na pala.
"Please, mom. Don't go," at hinila na ito ng babae at bigla silang nawala sa paningin ko.
"ANAK!" sigaw ko saka pilit inaabot ang kamay na kanina pilit akong inaabot na ngayoy sa isip ko na lamang. "ANAK!" umiiyak kong sabi saka humagulgol ...
"Anak, anak!" yugyog ng balikat ko ang gumising sa akin. Napabalikwas ako ng bangon at wala sa sariling tumingin ako sa paligid. Awtomatikong lumipad ang aking mga daliri sa aking pisngi saka ko ito sinalat at hilam nga ito ng luha, just like the other times. Parang totoo na naman ang panaginip ko. Kung buhay lang sana ang anak ko, magkasing-edad na sana sila. Pero namatay siya ng ipinanganak ko. Ang anak ko.
"Anak, nananaginip ka," boses ni mommy ang pumukaw sa akin. Bigla akong napatingin sa kanya at niyakap siya saka umiyak.
"Ma, napanaginipan ko si Angelo. Malaki na siya at nagmamakaawang wag ko siyang iwan," humahagulgol kong sabi.
"Anak, tahan na. He's gone," sabi ni mommy at lalo akong humagulgol. Hindi ko man lang nayakap ang anak ko. I was sixteen when I had him. Mahina ang katawan ko ng ipinanganak ko siya kaya naconfine ako ng isang linggo. I was unconscious for few days and when I was up, patay na pala ang anak ko. I didn't have a chance to meet him.
"I miss him. I miss him so much. Sana hindi siya namatay. Sana ako nalang,"
"Anak, don't say that. God has a plan," pagkokomfort ni mommy pero lalo lang akong humagulgol. Ang sakit-sakit. It took me years to finally overcome it. At okay na ako ng tumigil naring dalawin ako sa panaginip ng anak ko, though in my heart, he was there always. And now, I'm missing him a lot. I wish he was here.
Now, in five years, he visited me again.
"Shhh... Tahan na. I am sure you don't want to show up in the dining room looking like that? Your cousins are here together with Tristan," pagkarinig ko ng Tristan, humiwalay ako kay mommy at ang mukha ko tumigas.
At some point, I blame him. If only he was there. The once sex we had, it didn't dawn on me that I might get pregnant. "Please be civil to him," sabi ni mommy at tumitig ako sa kanya.
I nodded kahit na at this moment, gusto kong patayin si Tristan.
"Penny and Myrtie are waiting for you," sabi ni mommy at sa narinig ko, medyo nawala ang galit ko. Napalitan ng excitement, dahil matagal ko ng di nakikita ang mga pinsan ko.
"I'll get ready," mabilis kong sabi saka ako bumaba sa kama.
"Don't take too long, the dinner is ready," sabi ni mommy at tumango lang ako. Saka ko narealized mahaba-haba ang itinulog ko.
"I'll be down shortly," sabi ko saka ko tinungo ang luggage ko at kumuha ng damit bago tumungo sa washroom.
Pagkalabas sa kwarto ni mommy, pumasok na ako sa bathroom.
..........................
|Tristan's POV|
"Where did she go?" matigas kong tanong sa manager ko. She's not in her room, and so was Ram.
BINABASA MO ANG
The Devil's Angel |Montoya Series 1|
General FictionCOMPLETED (Highest Rating so far #10 as of Oct. 19, 2016) Warning: Contains mature scenes and it's in Tagalog-English. ......................... excerpt: "You look even stunning. And I'm going to win you back. Aagawin kita sa pangit na iyon...