|Tristan Ynigo POV|
"Ngayong engaged na ang anak natin, pag-usapan naman na natin ang pagsosyo mo sa ipapatayo naming hotel sa HongKong at Japan." Nakaupo na ulit kami sa lamesa. Galit na galit kong tinitigan ang dalawa. Binigyan ko ng nakakamatay na titig ang dalawa. Kanina pa umuusok ang ilong ko sa inis at galit. Pero parang hindi ko na kayang timpihin.
Bahala na.
"I beg to disagree, but I'm breaking off the engagement!" Tumayo ako bigla. Nagdilim ang paningin ni daddy sa akin. Si Mr. Cotreras naman, halos mabali na ang leeg sa bilis ng paglingon sa akin.
"YOU CAN'T DO THIS TO ME, TRISTAN!" Galit na tumayo si Tamara at nanlilisik ang mga mata.
"What do you mean by that?" Naguguluhang tanong ng daddy nito. Muntik ng umikot ang mata ko sa ere sa inis. Ang bobo din pala nitong matanda eh! Masarap parehong pag-untugin ang ulo ng dalawa.
"SIT DOWN, TRISTAN!" Galit na sigaw ni daddy. Alam kong sumabog na ang galit nito.
Tiningnan ko lang si daddy at walang lingong likod na umalis sa lamesa nila, papuntang harap kung saan nakaparada ang sasakyan ko.
"WHERE THE HELL DO YOU THINK YOU'RE GOING, YOUNG MAN!" Dumagundong the tanong ni daddy ng malapit na akong lumiko sa may exit door.
"AWAY FROM THIS FAKE PEOPLE, DAD!" sigaw ko saka dali-daling pumasok sa exit door. Halos takbuhin ko ang front door para lang makalayas sa mansiyon na ito ng paglabas ko sa may porch may nakatayong babae na matangkad at maganda. Parang may hawig ito sa akin. Matangos na ilong at maputi rin. Tumayo ito ng straight ng makita niya ako.
Ngumiti ito na lumapit sa akin.
"TRISTAN!" Narinig ko ang tawag ni daddy sa likuran ko. Hindi ko siya nilingon at inignora ko na lamang na nasa likuran ko na pala siya.
"Who are you?" tanong ni daddy sa babae na naka dress pa ito. Nakita ko siya kanina sa isang lamesa hindi ko lang pinansin masyado.
Nagulat ako sa tanong ni daddy. Akala ko kilala nito lahat ng andun. Ba't hindi nito kilala ang magandang babae sa harap namin.
"Happy Birthday, kapatid!" Parang naiiyak nitong bati ng hinding-hindi nito inaalis ang titig sa akin. Naguguluhang tumingin ako kay daddy na nasa tabi ko na. Lahat ng komosyon kanina biglang naglaho dahil sa deklara ng babaeng nasa harapan ko.
"Sino ka? Anong kapatid?" Sunud-sunod kong tanong.
Tumawa ng marahan ang babae. Mukhang matanda ito sa akin ng ilang taon.
"I'm Donette Santillan, at ang nanay natin ay si Mrs. Aileen Santillan na kilala rin sa pangalang Aileen Rian Montoya-"
"GUARD!" sigaw ni daddy at nilapitan nito bigla ang nabiglang kapatid ko raw. "GET OUT OF MY PROPERTY!" galit na galit na sabi ni daddy.
"GET YOUR HANDS OFF ME, MR. MONTOYA!" galit na pilit na hinihila nito ang kamay na mahigpit na hinawakan ni daddy. Nagpupumiglas ang 'kapatid ko daw' ng makita kong parating ang mga guardya.
Dali-dali kong hinila ang babae sa kamay ni daddy at halos kaladkarin ko siya patakbo sa sasakyan ko. "GET IN!" Asik ko dahil malapit na ang guwardiya. Ng makapasok na siya, naririnig ko pa ang sigaw ni daddy.
"GET THEM!" gigil na gigil na asik ni daddy. Pinaharurot ko ang sasakyan ng hindi pa siya nakakapagseatbelt bago malapitan ng gwardiya ang sasakyan ko. Muntik na ngang maumpog ang mukha ng babaeng nagngangalang Donette sa dashboard.
"Sorry," pagpapaumanhin ko ng nasa highway na kami.
"Now, explain!" Ng makita kong walang humahabol sa amin.
BINABASA MO ANG
The Devil's Angel |Montoya Series 1|
General FictionCOMPLETED (Highest Rating so far #10 as of Oct. 19, 2016) Warning: Contains mature scenes and it's in Tagalog-English. ......................... excerpt: "You look even stunning. And I'm going to win you back. Aagawin kita sa pangit na iyon...