(3) Let's sweet talk

1.7K 28 7
                                    



Angel's POV 

*yawn*  

Pagmulat ko ng mga mata ko yung oras kaagad ang tiningnan ko. It's 6:30, but my class starts at 7:30 am. Halos hindi na ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip sa lintik na game na iyan. Bakit ba sa lahat ng lalaki sa campus ay itong walanghiyang babaero pa ang napatapat saakin. Nakakainis! 

 

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sa sobrang inis ko nagtakip ako ng unan at doon ako nagsisigaw ng nagsisigaw. 

"What the fuck!?" nagulat nalang ako ng biglang may pumasok sa kwarto ko at biglang sumigaw ng WTF. Ugh. Privacy please. 

"What the fuck too, kuya" sabay taas ng kilay sakanya.  

Oh nasabi ko bang may kapatid ako? Well that's Red Ricaforte, my brother of course. Kung tatanungin niyo naman kung anong level ng closeness meroon kami as siblings. ZERO. As in Wala. Eversince an accident happened hindi na kami gaya ng dati. Parang nandidiri na kami sa isa't isa at ayaw na naming tingnan ang isa't isa. I don't know. We just shut each other out, at ang nakakainis I don't have a goddamn idea why we did that. Anyways,

"Wtf Angel! Ano bang nangyayari sayo?!" again napataas nanaman ako ng kilay. Batukan ko to eh. Concern kunwari. Letse! Please wala kang mauuto dito.

"Ano bang pake mo?" I blurted. Ikinagulat niya ang sagot ko. Usually kasi ang response ko sa mga pagtataray niya saakin is either hindi ako kikibo or tataasan ko lang siya ng kilay. Well people do change. Napipika na ako sakanya. 

"Mas matanda padin ako sayo kaya matuto kang rumespeto!" medyo natakot ako sa sigaw ni kuya pero hindi ako nagpatinag. It's his fault kaya ako nagkaganito. Walang dapat sisihin kundi siya lamang.

"Honestly, I don't even know how to respect you anymore, Red" at dahil feeling ko maiiyak na ako sa sobrang inis, nagwalk out na ako at dumiretso sa banyo.

I faced the mirror and I pity the person I am seeing now. Poor little girl, pagpapakabitch nalang ang meroon ka. Panindigan mo na. 

Nagdecide na akong maligo. Mas gusto ko pang pumasok at kainggitan ng marami kesa makita ko ang kapatid ko sa pamamahay na ito. Pero biglang sumagi sa isip ko ang game na meroon kami ni keetan. Honestly, ayaw ko naman talaga sa lalaking iyon. First time kong makita, nayabangan at nalandian na ako. Eversince then hindi ko na siya ulit tiningnan dahil naaasiwa ako sa aura niya. Ang landi. 

"Argh! Keetan Hiroshi, bakit ba dumagdag ka pa sa problema ko!" 

**

Since maaga pa naman. Dumiretso ako sa coffee shop para magbreakfast. Nakita ko kasi si kuya na kumakain sa lamesa kaya hindi na ako nagalmusal. Ayoko siyang kasabay. Nakakawalang gana.

Umorder ako ng plain black coffee at nagsimulang maghanap ng upuan pero occupied lahat. Napabuntong hininga nalang ako with matching roll ng eyes, guess I'll have to drink this outside kesa naman nakatayo ako dito. 

"Hey Angel!" palabas na ako ng coffee shop nang biglang may tumawag saakin. And thank god dahil nakita ko sila annika at marshalie na nakaupo at may dalawang vacant seat pa. 

Game of the Casanovas (Slow Update)& Under ConstructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon