IM VERY SORRY GUYS! haha Kung may nagintay man ng UD nito eto na siya. Ngayon ko lang kasi nakuha ang lappy ko eh. nasira kasi siya so ayun nagtampo ako sakanya at pinadala ko sa pagawaan XD charot.Pasensiya na yan lang napiga ko sa Utak kong magulo na haha
~ Dedicated sayo kasi nagdemand ka ng UD.So eto na.
* ENJOY READING GUYS! :DD
**
ANGEL's POV
"so magtititigan nalang ba tayo dito?"
*silence*
"keetan just f*cking screw this up! inaya mo---"
*You can never say never
While we don't know when
But time and time again
Younger now than we were before
Don't let me go
Don't let me go
Don't let me go*
Tsk! Peste! nandito kami ngayon sa isang restobar at nagtititigan ni keetan. Rememeber niyaya niya akong makipag-date sakanya ng hindi ko naman alam ang dahilan.Tss imbis na nagpapahinga nako ngayon.
"Hello?!" sigaw ko sa kabilang linya.May tumawag kasi sa phone ko at hindi ko na pinagaksayahan ng panahong tingnan kung sino yung caller.Letche kasi tong kasama ko eh.
"Hey princess"
"Ivan..Baki--- Putcha! keetan give me back my phone! Kuneho ka talaga! ano bang ---Bakit mo pinatay!!" Asar naman! walaghiya tong rabbit na to! Inagaw kasi niya yung phone ko at pinindot niya yung call-end button. putcha.
"Come" tapos biglang hatak saakin palabas ng restobar.
"Ano ba! Rabbit! a-aray! bitawan mo nga ako! F*ck keetan! I said BITAWAN MO AKO! Jerk!"
O_O
ansabi ko?
napahinto siya sa pagsigaw ko at padabog na binitawan yung kamay ko.
"you told him right?" sabi niya ng hindi humaharap.
"h-ha?! pinagsasasabi mo?!" sigaw ko. Hindi ko kasi gets.
"Hindi ka ba makapaghintay na matapos to?!"
"h-ha?"
"Kating kati ka na siguro no? Casanova right?"
"a-ano?"
"You f*cking tell that f*cking Guy about this! Ang landi MO! Ano? gusto mo ng halikan yung lalaking yun no? great! wow! JUST F*CKING GREAT! pare-parehas lang kayong mga babae.You're a BITCH! A f*cking SLUT."
*slap*
</3
"Tangina keetan ha.. tangina talaga" Yun lang ang nasabi ko.Hindi kasi ako makahanap ng salitang ibabato sakanya kaya nasampal ko siya ng di oras.Ano bang nagyayare saakin? Hindi naman bago sakin yung mga salitang yun pero.... pero yung sakanya manggaling masakit pala.Sobra.
Nilagpasan ko siya at nagderederetso at pumara ng taxi. Tangina niya.
"miss panyo oh"
bigla nalang nag-abot ng panyo yung driver habang nagdadrive siya.
Tinaasan ko siya ng kilay.Aanhin ko naman yung panyo niya? Hindi naman ako galing sa CR at kailangang punasan ang pwet ko. Saka baka may germs pa yun.
"Aanhin ko yan?" pataray kong tanong.
"umiiyak kayo miss eh"
"Haha ako umiiyak? si ANGELICA RICAFORTE IIYAK? *sob* Masakit eh! Pake mo!*sob*" And that napahagulgol ako ng iyak sa loob ng taxi. Actually hindi naman binata yung driver, may edad na ito at parang kasing tanda na ni daddy kung buhay pa siya ngayon.
"manong sa sementeryo ako" sabi ko sakanya nung mahimas-masan na ko.
**
"Ma,pa witness kayo diba? sabi niya papasayahin niya ako. Anong nangyari sa pangako niyang yun?.. Sana kasi buhay pa kayo eh.Ang daya niyo talaga. Bakit niyo naman ako iniwan? ganun na ba talaga ako? Isang Bitch? Malanding babaeng kating kati sa lalake? hindi naman ma diba? Hindi niyo naman ako pinalaking ganun diba? Sanay naman na ako eh. Wala si kuya parati. Kahit ayos na kami ngayon ni kuya hindi ko padin siya madalas makasama. Ma sana nandito kayo no?.... sana napoprotektahan niyo ako ni papa sa sakit.Ang sakit po eh.. sobrang sakit po eh." at napahagulgol na ako sa mga salitang binitawan ko sa harap ng puntod nila mama at papa.Napayakap ako sa tuhod ko at umiyak na parang wala ng bukas.Wala eh.Masakit eh.
Nung medyo gumaan na yung loob ko nagpasya na akong umuwi sa bahay.
malapit na ako sa pintuan ng bahay nung may marinig akong ingay sa loob.
"Call 911 bilis! isa itong emergency! Baka nagpakamatay na si Angel!"
"No! if that happens OMG you know mababawasa ang beautiful in our group!"
"magreport na kayo sa pulis! OMG!"
Pagbukas ko ng pinto naabutan ko sila annika,shane at marsh na nagsisigawan at nagpapanic sa loob.
"Ilang oras na ba siyang nawawala?" tanong ko.
Napalinon naman silang tatlo saakin at sabay sabay nagsalita ng " TATLO"
"waaaaaaaaaaaaaaah! angel! kala ko nakidnap ka ng mga alien at dinala sa planet mars!"
"Ang O.A niyo--aray! ano ba bitawan niyo nga ako! ouch ha ang sasadista ninyong mangyakap"
Buti nalang may mga kaibigan ako.. Buti nalang talaga.
Nagkwentuhan nalang kami dun pero hindi ko sinabi yung tungkol kay keetan.Kapag kami nalang kasing apat ang magkakasama dun lang lumalabas yung pagkabaliw nila.Hindi tulad sa campus sila ang kinatatakutan na bullies. well sabihin na nating casanova din sila pero mas malala ako.Hindi ba obvious na nasaakin ang title na CASANOVA PRINCESS?..
"guy's i'll just change my clothes.Sleepover kayo dito? wala naman si kuya eh" pag-yayaya ko.
sumangayon naman sila.Since may mga damit naman sila dito sa bahay.
Tumaas na ako sa kwarto habang iniwan sila doon na masaya pading nagkukwentuhan.Ichineck ko yung phone ko.
Wala padin eh..
I still hope na itetext man lang niya ako to say sorry but to my dissapointment..
kahit isang text wala.
Ilalapag ko na sana yung phone ko sa bedside table ng bigla itong tumunog.
*calling 0906...........*
Unregistered number? sino naman to? Sinagot ko yung phone..
"Hi dear?" pambungad nung nasa kabilang linya.
"WHO THE F*CK IS THIS?"
"hey chilax. just enjoy yourself for the meantime.Siguro ngayon nagagawa mo pang tumawa.pero who knows?? hahahahaha"
"SINO BA TO?! baliw ka na ba ha?! sino ka ba?!"
"Let say I'm your biggest nightmare... Angelica Ricaforte"
*toooootoooooootooooooot*
BINABASA MO ANG
Game of the Casanovas (Slow Update)& Under Construction
Teen FictionTwo casanova. One GAME. One winner. Will She be able to make him fall? Or will he be able to put her down by breaking her heart? In this game the first one who falls . . . loses. You? Would you dare to play the game of the casanova?