Magiisang oras na akong nakatulala sa kisame pero hindi parin mahanap ng katawan ko ang lakas para bumangon. It's Sunday, and I feel like not doing anything. Actually ngayon lahat masarap gawin. Movie marathon magisa, kumain maghapon, shopping—Wait! A shopping! Sunday lang kasi ang vacant ko that's why kailangan kong ilayo muna ang sarili ko sa anumang stress sa paligid ko at shopping ang sagot doon!
Pero mukhang hindi talaga ako lalayuan ng stress. Kahit saan ka suminghot ay nandiyan ang stress and speaking of stress.
"Ano?!" kinuha ko ang teleponong kanina pang nagriring at binulyawan ang nasa kabilang linya.
"Is that how you greet my handsomeness?" I mimick his voice at nag-aktong nasusuka kahit di naman niya nakikita. I wish he could atleast feel it na nasusuka ako sa mga pinagsasabi niya.
"O eh ano ngang kailangan mo?!" I rolled my eyes heavenwards. Ugh! I wish he's here so he can atleast see my bitchy reaction to his bullshitness.
"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." nakikita ko na sa vision ko na tawang tawa nanaman siya sa kabilang linya. Akala niya sakin? Cheap na madadaan niya sa mga kabaduyan niya?!
"Gago" pero deep inside parang medyo tumalab ng kaunti yung pagkacorny niya na iyon,kaunti lang naman. Saan ba yun humuhugot ng pick-up lines. Baduy.
"Wag ka nang magdeny. Kinilig ka naman. I'll be there in 5 minutes.Date tayo. Laters babe." siya lang ang lalaking nakilala ko na uhaw sa date. Kakadate lang nung isang araw, date nanaman?! He's really working on making me fall for him. Sayang effort niya kawawang babaero because I'll never fall for his trap, not me.
After 5 minutes kinatok ako ni manang dahil may bisita daw ako. Who could that be? Hindi naman pwedeng si keetan dahil sa sobrang vain nun sa sarili niya I'm sure nasa harapan pa iyon ng salamin at pinupuri ang pagmumukha niya.
"Keetan Hiroshi daw Ika!" pagsabi ni manang ay napatayo bigla ako at automatic na napaharap sa salamin at nag-ayos ng sarili. Kasalukuyan akong nagsusuklay nang may marealize ako.
"Putangina naman angelica. Wag mong sabihing nag-aayos ka para kay keetan?!" para akong baliw na pinanlakihan pa ng mata ang sarili ko sa salamin.
Sa inis ko ay hinayaan ko na ang buhok kong buhaghag at bumaba ako para daluhan ang bisita ko kunno.
Pagbaba ko ay may nakita akong lalaking nakatalikod na naka khaki pants at simpleng T-shirt. Kitang kita mong gwapo siya kahit nakatalikod. Oo na, medyo may itsura naman siya kahit papaano marunong naman akong umappreciate ng hitsura kahit laitera ako.
"Ang tagal mong magpaganda." Inirapan ko siya sabay pinamaywangan.
"Hindi ko na kailangan magpaganda. Natural na maganda na ako wag mokong igaya sayo na----" napatigil ako sa pagsasalita dahil ang walanghiya ay bigla nalamang naghubad ng T-shirt niya sa harap ng kagandahan ko. Putangina.
"Ang laway, tumutulo" pagkasabi niya niyon ay agad kong sinapo ang labi ko. At likas na ulol siya dahil wala namang laway na tumutulo! Sa inis ko ay binatukan ko siya ng malakas.
"Aray! I didn't see that coming" hawak hawak niya ang batok niya. Infairness sa tangkad niya na yan ay naabot ko ang batok niya.
"Bulag ka kasi" I said sarcasticaly.
"Kung bulag ako, bakit may pagtingin ako sayo" and by that, nakatikim nanaman siya ng isang batok. Ang aga aga ang baduy.
--
"Saan mo nanaman ako dadalhin ha?" nakasakay ako ngayon sa kotse niya at siya pa ang may kapal ng mukha na pagmadaliin ako kanina. I wore a simple dress above the knee siya tapos four inch na heels at alam kong ang ganda ko ngayon. Anyways, kanina nga pala ay inaya muna niya akong magsimba. At first ayoko but he insisted kaya wala nadin akong nagawa.
BINABASA MO ANG
Game of the Casanovas (Slow Update)& Under Construction
Teen FictionTwo casanova. One GAME. One winner. Will She be able to make him fall? Or will he be able to put her down by breaking her heart? In this game the first one who falls . . . loses. You? Would you dare to play the game of the casanova?