LUNCHBOX

3.6K 105 8
                                    


'They can imitate you,

But they can't duplicate you..'





Pinatay ko ang alarm at nag-unat muna sa kama. Napansin ko naman na katabi ko yung red folder sa pagtulog, nakatulugan ko na pala kagabi.




Ay hindi! Paniniwalain ko ang sarili ko na napuyat ako kaka-aral ng mga detalye patungkol sa aking misyon kundi pagagalitan ako ni General *insert sarcasm* (Italic parts, kinakausap ko yung sarili ko at ikaw magiting na mambabasa)




Naghikab ako at tumayo agad-agad. Kinuha ko muna yung Braggs Apple Cider Vinegar at naglagay ng isang kutsarita nito sa 8oz na tubig at ininom. Laging ganon ang ginagawa ko sa umaga bago kumain ng almusal at lumarga. Alam kong sa isip-isip niyo ang asim non. Haha.
(A/N: Mabisa to for people who suffer from stomach problems like reflux, acidity, bloating kaka-buffet and etc).



Pagkatapos kong kumain ng umagahan, maligo at mag-ayos ng gamit tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin.




Mahaba at kala mong rebonded na buhok. Check



Ngipin na napakaputi kapag ngumiti pwede ng pang toothpaste commercial. Check




Amoy baby. Check



Papaano kaya tong Ak-45 ko? Pwede kaya isukbit sa katawan? Enkkk.



Eh, Magbaon kaya ako ng granada? Enkkk



Kahit isa lang? Enkkkk.





Osige, magsisilid nalang ako ng balisong sa back pack ko. Enkkk





Pati ba naman yun hindi pa din pwede? Enkkk.






Sabi ko nga, hindi na po.




Pagkatapos kong iwan ang pang araw-araw na esensyals ko sa bahay, sumakay na ako ng motor na pinahiram sakin ni Barroca at pumuntang Uni.




-After 25 minutes-



Nandito na ko sa harap ng Far Western University. Green at Yellow ang theme, at Tamaraw ang trade logo nila. Malawak at anlalaki ng gusali. Sinukbit ko na yung backpack ko sa likod at tinaklob yung hood ng jacket sa ulo ko, pagkatapos sinuot ko na din ang nerdy glasses para kumpleto ang pagpa-panggap. Binuksan ko ang compartment para kunin ang makapal kong libro. Eto na to, Jovelyn! Pumasok na ako sa loob ng eskwelahan.





Wow! Ang daming estudyanteng nagkakagulo....





pero hindi ako ang dahilan.




May chinecheer yung mga tao sa lobby.






"Wuhooo!' -mga estudyante.






Nag checheer sila. May laro ba?





*BOGSHH!*




Dahil ang daming tao na nag kukumpulan sa harap ko, tumingkayad ako para makita ng buo ang pangyayari. Nagulat nalang ako ng may lalaking payatot na napaupo at nakahawak sa duguan niyang ilong dahil sa lakas ng pagkakasapak.




Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon