THE END

2.9K 74 5
                                    

RAD's POV



Rinig na rinig namin ang malalakas na putok sa labas.




Nawalan na ng malay si dady dahil sa daming natamong sugat, at nawalang dugo.




Please, someone help us.





Lumalakas lalo ang mga putok, at may narinig pa akong sumabog na parang nasa kabilang pader lang.




biglang bumukas ang pinto, at iniluwa ang babaeng kanina pa laman ng isip ko.







Si Jovs.






*CLAP, CLAP*





"SECRET AGENT, GOOD JOB." Pagbati ng dahilan ng lahat ng to.






"Maglaro muna tayo." Ramdam kong may baril na tumutok sa ulo ko.






Tumingin ako sa mga mata ni Jovs,






Pareho parin ang sinasabi ng mga mata niya sakin.








She ASSURED me that i'm gonna be safe.. it's that same look in her eyes, that made me trust her in the first place.









-------------------

JOV's POV




Nakita ko ang magaganda niyang mga mata na puno ng takot at pag-alala.





Kung pwede ko lang siyang yakapin sa mga bisig ko ngayon at pawiin lahat ng iyon.





Pigil na pigil ang mga luha kong kanina pa gustong tumulo. Tiningnan ko siya sa mga mata at binigyan siya ng isang makahulugang ngiti. Ngiti na yayakap sa buo niyang pagkatao at papawiin lahat nararamdaman niya.





Assurance. Ang isang salitang pinangako ko kay Rachel.






Binaba ko ang hawak kong mga baril, at tinaas ang aking mga kamay.






"Sipain mo palayo sayo, Agent." Utos ng hinayupak na kriminal.







Sinipa ko naman ito palayo, at ipinatong sa likod ng ulo ko ang mga kamay ko.






Isinukbit niya sa balakang niya ang baril na hawak niya na nakatutok kanina sa ulo ni Rachel.







Sa wakas.






Sinenyasan niya yung dalawa niyang goons at hinawakan ang magkabila kong kamay at hinila papalit sa amo nila.





Sinipsip niya ang sigarilyo na hawak niya at binuga ang usok sa mukha ko.







Napaubo ako.






at bigla niya akong tinadyakan,






sinuntok,





at tumalikod sya






para bumwelo






at sinampal ako gamit ang likod ng palad niya.






Hindi ako tumitingin kay Rachel dahil ayokong nakikitang nasasaktan sya.






Inipit niya ang mga pisngi ko sa kaliwa niyang kamay. "Men, turuan niyo ng leksyon to." at saka binitawan.







Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon