Naglalakad palang ako papuntang court ng..
*Pugshh*
Yung totoo? Atat lang lampasuhin ako?
Buti at nailigan ko yung mga practice na palo niya. Nakapwesto narin ako sa wakas, at tanging net lang ang humaharang saming dalawa.
Nagchi-cheer naman yung mga teammates ni Daquis sakin, pampalakas daw ng fighting spirit.
Lumapit siya sa may net para kunin yung bola, at binigyan ako ng isang makahulugang salita bago ang game.
"I'll make your body sore"
Wow. Parang may double meaning ah. Hihi
Ngumiti lang ako ng pagkalaki-laki at pumwesto na.
~FLASHBACK~
2 days ago
To: The Flash
-Hey, baby boi! Kailangan ko matutong magvoleyball, ASAP.
From: The Flash
-Cpt. Gwapaaa! Missyou!!! Sige punta kame maya sa condo mo.
Nagkita-kita kame sa lobby ng condominium na tinitiran ko. Nandun si Melton at si Erica. Niyakap kaagad nila ko na para bang ang tagal namin hindi nagkita.
"Sumesexy ka Erica Padilla" pagbati ko habang nakaakbay siya leeg ko.
Kapag walang trabaho o misyon lagi kaming nagbobonding. Lalo na kami ni Erica, na napagkakamalan pa madalas na magjowa kasi sa mga tawagan namin sa labas ng trabaho pero dinedeadma lang namin. At kapag si Belga naman ang nakasama mo mapipipi ka sa yakap non at magsasawa ka sa amoy ng kili-kili dahil laging naka-akbay. Nasaan nga pala yun?
"Nasa shoot ng commercial ng hotdog si Barocca gusto ngang ipacancel pero sabi ko next time nalang. Si Kuya Beau naman nasa dagat ngayon nagaaral mang huli ng isda. On the way na sila kuya Greg, tawagan ko lang." Si Melton.
"Thanks Baby boi" Pag tinatawag kong baby boi si Melton eh para syang batang nagpoprotesta.
"Capt. naman di na ko baby.." Habang may kausap sa phone.
"Ay nako ikaw padin ang baby ng grupo kaya wag ka ng magprotesta." -Si Erica na ginugulo-gulo ang buhok ni Melton.
Nag-aasaran at nagkekwentuhan parin kame habang papunta sa covered court. Mga ilang minuto dumating na si Gregy at ang girlfriend niya.
Niyakap ako ni Greg at tinaas pa sa ere. Lagi ako dinadawn zulueta nitong Gregy ko. Well maliban nalang kapag nasa misyon kami, kasi dapat medyo formal kameng lahat.
"My Dawn, I'd like you to meet my girlfriend Alyssa. Aly, My one and only Dawn Zulueta, Jovelyn." Nagkamay kame ni Alyssa at ang ganda ng dimples niya morenang morena mahusay talaga si Gregy boi pumili.
~END OF FLASHBACK~
Well...
Ang nag-iisang Alyssa Valdez lang naman ang nagturo sakin magvolleyball...
Kaya no worries ^____^
Pinapalo-palo na ni Daquis ang bola bago niya iitya ito sa ere at inispike.
Grabe yung tira niya kasi pumapaling yung bola.
Dahil pinag-aralan namin ni Gregy ang law of gravity, force, velocity at etc. May idea na ko sa ganitong pangyayari kung anong degree ko titirahin ang bola.
Nareceive ko sya.
Muntik na akong mapaupo sa lakas. Hindi na ako magtataka bakit sya ang Face of the Philippine Volleyball at Team Captain ng FWU.
Nagcheer sila Ate Aby sakin, ang lakas ng hiyawan nila.
Kita mo sa mukha ng dyosa ang pagkainis.
Tira
Palo
Receive
Spike
Shemaay- Receive
Palo
Receive
Tumatagaktak ang pawis naming Dalawa. Naka tatlong miss ako sa sampung birada sakin.
Tuwang-tuwa naman sila Ate at kinocongratulate ako. Ang galing ko daw at may future daw ako sa volleyball at pwede pang mahasa lalo ang skills ko.
Kinongratualate din ako ni Coach dahil kasali na ko sa Far Western Volleyball Team.
(Sabi ko sainyo may kahihinatnan ang pag papa-alipin ko -To the Readers, From Me.)
Si Daquis na hindi man lang ako pinuri o kahit titigan ng masama wala. Dineadma lang niya ako at pumunta sa shower room.
Sinabi namin nila Ate Jean na pagpasensyahan ko nalang dahil ngayon lang nagkaroon ng kasabayan si Daquis ng ganon katagal na isang newbie.
Tumango-tango nalang ako at nakipag getting to know each other sakanila.
Pero yung dapat na iget to know each other ko eh nasa shower room...
hmmmm
Mga pervs, nabasa ko yang iniisip niyo. Kenot be. Okay. Wholesome tayo. Peace!
Bang!
Bang!
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |
FanficPapaano nalang.. Kung ang solo mission mo ay ang pagbalik sa eskwelahan, at mapalapit sa nag-iisang Rachel Anne Daquis? Kilalanin si Captain Gwapa, Jovelyn Gonzaga, para sa kakaiba at maaksyong laban ng buhay at pag-ibig sa.... "Ang Probinsyana meet...