TOTGA

2.7K 87 13
                                    

"One hot Caramel Machhiato and Green Tea for the beautiful lady"



Tawag nung barista sa akin. Sabi ko naman kay kuya cashier na 'Jovs po' ang pangalan ko at hindi beautiful lady.



Kinuha ko na yung order at lumakad papunta sa upuan namin. Hindi nawawalan ng tao dito sa Starbeks Kopi. Kahit ngayon, puno ang mga silya at ang daming nakapila. Sa pinakadulo kami umupo ni Erica at duon ako pumwesto kung saan nakatalikod yung likod ko sa mga tao. Napag-alaman ko kasing co-owner pala si Prof. Dionisia sa paborito naming cafe at baka may makakita pa sa akin na kaklase ko.




Hindi naman big deal pero hangga't maari umiiwas ako sa kanila.




Kasi ba naman ambilis kumalat na nakapasok na ako sa Volleyball Team. Naka-ilang tweets yun at shares.





"Love, bakit ang gwapa-gwapa mo. Sana ikaw nalang, ikaw nalang kaya?" Si Erica na kala mo lasing at alak ang iniinom pagkatapos humigop sa machiato niya.





"5 years, Erica. 5 years. You had me at my best, she had me at my worst but still, you chose to break my heart." Kunwari humihikbi-hikbi pa ako at cuuuut, bigla kaming nag-apiran na tanging kame lang ang nagkakaintindihan.







Mag-iisang oras na kameng nagkukulitan, naghahamapasan at nagtatawanan, at malamig na yung grean tea ko. Tinungga ko na yung natitira at dahil walang tissue, ginamit ni Erica yung daliri niya para punasan ang gilid ng labi ko.







Nagulat nalang kame ng may napaismid na dumaan sa gilid namin.






Nanlaki ang mga mata ko, at nakita ko nakataas ang isang kilay ni Daquis. Tiningnan niya ang babaeng kasama ko mula ulo hanggang paa at biglang nang-irap at umupo sa kabilang table.







"Aba, may attitude." Akmang tatayo na si Erica, nang hinawakan ko ang kamay para pigilan.





"Sino ba yun, Love?" Umupo na sya at diniin pa niya talaga yung 'love' para rinig sa table nila Daquis.








Inexplain ko kay Erica lahat maliban sa parte na misyon ko yung babaeng nang-irap kanina. Naintindihan naman niya at hindi na nagtanong pa. Kung kailangan ko daw ng tulong kahit naka bakasyon pa sila ay isang text lang at reresbak na Ang Avengers.







Si Erica talaga. Napangiti ako.





Binulungan niya ako bigla. "Alam mo Love, ramdam ko talaga may gusto yan sayo. Promise. Tingnan mo to."







Bigla niyang pinalupot yung kamay niya sa leeg ko at....









Sinubsob ako sa boobs niya (.)(.)






Napakalas nalang kame sa isa't-isa ng kumalabog yung pintuan ng napakalakas.





"See Love, ayun na yung TOTGA mo sa labas."







Nakita ko nga na si Daquis yung nagsara ng pinto at nagmamadaling sumakay sa mustang niya.







Anong problema non?









The one that got away.





Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon