TONIGHT

2.8K 73 0
                                    


GENERAL's POV


Ilang linggo na rin ang nakakalipas pagkatapos naming ilipat si Rachel.



Lumamig nadin ang kapeng kanina pa nakapatong sa lamesa,



Napapa-iling ako at alam kong ilang sandali nalang, tatawag na sya.



*KRING, KRING,KRING*



Inangat ko ang telepono at nilagay sa tenga, hindi ako nagkamali.




"Did you receive it? We need to act fast. I--i caan't." Mabilis niyang sambit.



Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang mga susunod niyang sasabihin.




"This will end tonight, Juan." Pagputol ko.






----------------

JOV's POV



Nakatanggap ako ng urgent notice mula sa bosses, at nandito na ko sa lair ngayon, naghihintay sa opisina ni General.



Mga ilang minuto ng nakalipas, pumasok na si General, tumayo ako at sumaludo.



Umupo na siya sa lamesa niya, at sinabing..



"I called you Gonzaga for a very important reason."



Patungkol siguro to kay Rachel, nang may biglang pumasok sa pinto, at napatayo ako sa kinauupuan ko.



"I'd like you to meet Senator Juan Ponce Enrile."



Kahit gulat na gulat ako sa taong kaharap ko, tumindig ako at sinaluduhan si Senator bilang pagbibigay galang.



Pinagmasdan ko siya, at mahahalatang hindi pa ganoong may edad, pero sa tindig niya para mo siyang mapagkakamalang minie me ni General. Kaya pala parang nakita ko na siya dati.. Magkahawig na magkahawig sila.




Siguro nung kabataan ni General, ganon din ang itsura niya tulad ni Senator Enrile.



"Seatdown, Gentlemen." Ani ni General na pagputol sa iniisip ko.









-MAKALIPAS ANG DALAWANG ORAS-



"Capt., All set." Si Belga na dala-dala yung isang malaking bag na puno ng mga baril at granada.




Nagsuot na kame ng bullet proof vest at kinabit ang maliliit na hugis bilog sa loob ng tenga namin. Yun ang magsisilbing komunikasyon namin sa labas.




"Team, wag niyong kakalimutan ang laging bilin ko sa inyo." Sinabi ko na nagpatigil sa lahat.




"Capt.--."




Pinutol ko na si Erica sa sasabihin niya at muling nagsalita





"Sa limang taon na magkakasama tayo, alam niyo na isa kayong malaking parte ng buhay ko. Kaya follow my orders." Utos ko sa kanila, sa tuwing sasabak kame sa isang misyon lagi silang nagproprotesta sa kaisa-isang bilin ko.






Na kung darating ang panahon na maiipit kami sa isang hindi inaasahang pangyayari, huwag nilang iaalay ang buhay nila para sakin. Iligtas nila ang isa't-isa at umuwi ng buhay sa mga mahal nila.





Kita naman sa mga mukha nila ang pagkalungkot dahil wala silang magawa.





Natapos nadin ang pagaayos at pumunta na ang lahat sa RV kung san naghihintay si Greg.





Habang nasa biyahe kame, pinag-aralan namin ang blue print ng papasukin naming factory.










- MAKALIPAS ANG 20 MINUTO-



Nandito na kame sa destinasyon namin. Pinark ni Greg ang RV sa likod ng isang lumang factory ng alak.



Nagdasal muna kami at pagkatapos, inihanda na ang sarili.



Binuksan na namin ang likod ng RV at pumwesto.



Dahan-dahan naming pinaligiran ang pinto. Pinagilid ko sa bandang kanan si Erica at Beau at sa kabila naman si Barocca. Si Melton na nasa malayong damuhan, hawak-hawak ang sniper para icover kame.




Tinutok ko na ang baril ko sa harap at sinipa ang pinto.




Gulat naming pagtingin dahil walang kalaman-laman ang nasabing factory.





"We we're deceived." Rinig kong sabi ni Erica sa likod.









--------------------

RAD's POV



Binilin sakin ni Jov na wag lalabas sa condominium, nakabantay din sa labas si Ben at mga kasamahan niya.




Kung hindi niyo naaalala si Ben, sya yung nag escort sakin dito nung lumipat ako.



Nakareceive naman ako ng text galing kay Tyang na nagwawala daw si Chris sa gym.




Hindi daw nila mapigilan kaya naman nagdesisyon akong sumaglit muna dun.




Pinigilan ako ni Ben pero nagpumilit talaga ako, kaya pumayag na sila pero may escort na kasama.




Malapit na kame sa gym ng biglang may SUV na bumangga sa sinasakyan namin. Lumabas sila Ben, at nakarinig ako ng madaming putukan.





Hanggang sa tumahimik ang paligid.




Bigla nalang bumukas yung pinto ng sinasakyan namin at hinatak ako ng isang lalaking naka cover ng itim na stocking sa ulo. Nakita ko namang nakahandusay na at duguan si Ben at mga kasamahan niya.





Nagpupumiglas ako pero tinakpan ng panyo ang ilong ko















at dun na naging blanko ang lahat.














Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon