Senator Miguel P. Zubiri
Nasa huli na ako ng listahan ng lahat ng naging senador at bagong senador, pero wala pa din akong makita na Daquis ang apelido.
"get to know her and the rest Gonzaga, is for you to find out."
Bigla na lang nagcameo role ulit ang bilin sakin ni General.
Napailing-iling na lang ako at tumingin sa babaeng di kalayuan sakin na natutulog ng mahimbing sa kama.
Tahimik,
Walang inaalala.
Dyan mo makikita ang tunay na kagandahan ng isang babae kapag tulog..
at etong si Daquis...
Tulog man o gising napakaganda padin.
Naisipan ko na lang magluto ng umagahan para paggising niya meron na siyang almusal sa higaan.
-After 20 minutes-
Binaba ko muna ang hawak-hawak kong tray at binuksan ang pinto. Tinabig naman ito ng pwet ko patalikod, para makapasok ako na dala dala ang tray sa pareho kong kamay.
Nakita kong wala na si Daquis sa higaan, at nasa study table na siya kung saan may pinipindot sa laptop, na naiwan kong nakabukas kanina.
"Ehem!" Sambit ko at napatingin siya sa akin. Nagsalita ulit ako, "Breakfast in bed." at sabay ngumiti ng pagkatamis- tamis, sintamis ng wine sing-tatag ng sunshine~
"Why are you researching about Senators?" Pambasag tanong niya.
Binaba ko muna yung tray sa isa pang table katabi ng vase.
Kasabay ng pagbaba ko ng mga matatamis kong ngiti, lungkot yern :(
"And who are you ?" Dagdag pa niya.
Wow! hindi na bold at capital.
"Kapag sinabi ko ba, hindi mo ako lalayuan?" Habang papalapit ako sa kanya.
"Let's see." Maikli niyang sagot.
Nandito na ko sa harap niya na nakatayo habang siya naman ay naka side view sakin.
"Miss Rachel Anne Daquis." Pagkatapos kong banggitin yung pangalan niya ay umupo naman ako sa kama para magkaharap kami. Inabot ko ang kamay niya para hawakan at tumingin sa maganda niyang mga mata at inaming...
"Isa akong secret Agent na inatasang kilalanin ka."
Nabigla siya at para bang magagalit pero tinuloy ko pa din ang pagsasalita.
"Maaari akong masuspinde sa trabaho kasi sinabi ko sa mismong misyon ko kung bakit ako nandito, pero ayokong maglihim sayo. Paano ko makikilala ang isang tao kung mismong ako nagpapanggap lang?"
Huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy ulit.
"Rachel, hindi dahil sa trabaho ko kaya ako nandito ngayon at kinakausap ka. Nanatili akong nandito, dahil sa sarili kong kagustuhan. Hindi mo pa kilala ang buo kong pagkatao, pero kung bibigyan mo ako ng pagkakataong magsimula ulit, magsimula ulit tayong dalawa.
Magsimula tayo pagkatapos ng lahat ng nangyari, malayo sa lahat ng to. pero isa lang sana ang hihilingin ko sayo sa ngayon,
yun ay ang pagkatiwalaan mo muna ako." buong sinsiredad kong pagtatapos.
Hindi kumibo si Rachel. Hindi na din ako nagsalita pa, nginitian ko lang siya at tumayo na papalakad sa pinto.
Pipihitin ko na sana ang knob ng pintuan ng biglang...
"Senator Juan Ponce Enrile
He's my dad."
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |
FanficPapaano nalang.. Kung ang solo mission mo ay ang pagbalik sa eskwelahan, at mapalapit sa nag-iisang Rachel Anne Daquis? Kilalanin si Captain Gwapa, Jovelyn Gonzaga, para sa kakaiba at maaksyong laban ng buhay at pag-ibig sa.... "Ang Probinsyana meet...