EDWARD CULLEN JR

2.9K 94 23
                                    

"HOW DARE YOU DRAG ME HERE!!"





Hingal niyang sabi, na para bang nahimasmasan na sa nangyari.









Ohh, bumalik na ang pagtataray niya.








"Ehh-- kasi..Nagpahatak ka po?" Pakamot-kamot sa ulo kong sabi.









Bakas sa reaksyon niya ang pagkabigla at inis. Pinagmamasdan lang niya ako mula ulo hanggang paa, na para bang init na init sa getup ko. Pano ba naman, nakasuot ako ng grey na jacket parang pang NINJA at may pagka-laki laking salamin. Nahiya naman ako sa madumi kong converse kasi medyo maputik kanina sa lugar kung saan ko iginarahe ang motor.








Ibinaling ko nalang ang aking mga mata sa braso niya, na hawak-hawak kanina ni Dragon Tiu. Tsk. Naka sleeveless pa naman ang Queen niyo.









"Ikaw yung weirdo sa hallway. Aware ka ba anong ginawa mo ha?" Bigla syang nagsalita.







Napailing-iling na lang ako.









Ano bang ginawa ko? At kung maka-weirdo naman tong Babaeng to', nerdy ninja kaya ang undercover ko. Ganda sana, malabo nga lang ang mata. Psh.







"Bakit mo ginanon si Chris? No one dares to do that to him. Hindi mo alam what you got yourself into, Stupid!"








"Um. Eh..." - Ako





"Duh. Ofcourse, Stupid's don't use their heads lala lalala--"





May sinasabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan.






Stupid's don't use their heads - Pag-ulit ko sa sinabi niya. Sya na nga 'tong niligtas sya pa 'tong mataray. Lalalalala. Wala akong naririnig. Lalalala.








At yun ang isang aral na dapat kong ituro sa mga nagawi para basahin ang istorya na 'to.











Pwede mong deadmahin lahat wag lang tong Queen Radyosa na kaharap ko.











Kundi...











*PUGSHH!*







Naalala niyo ba yung peyborit book ko na Saunders?








Yung may pakpak na kusang lumilipad, at dumadapo sa cranial nerve no. VII.









Oo, Tama kayo.







Eto ako ngayon, pinupulot yung nerdy glasses na tumilapon sa lakas ng impact ng flying Saunders na libro.





Kainis.






Nabasag yung salamin ko na bigay ni Erica, sabi pa naman niya ginagamit lang niya to para sa innocent look pag nakikipagdate sya. Hay. Hihingi na lang ulit ako ng isa pa.







Tumingin ako kay Daquis, aba nakangisi pa.








Tama ang basa niyo. Hindi na Dyosa ang tawag ko sa kanya, Daquis na.








Batuhin ka ba naman ng libro sa mukha.







Ewan ko nalang kung makakangisi pa sya sa gagawin ko. -Syempre pag naka itallic sarili ko ang kausap ko o kayong audience kung meron man haha






Nilapitan ko siya, at sabay hinawakan ang magkabilang braso, na konti lang ang tangkad sakin.








at bigla kong kinagat ang leeg niya,










nanigas siya.












at sinipsip.













Sinipsip









Oo, sinipsip ko dahil barkada ko dati si Edward, nung may Twilight Saga pa.









Ang bango niya.










Sipsip pa.










"Award! STOP IT AGENT GONZAGA!" -Kanang konsensya ko.








Bumalik ako sa ulirat at binitawan sya. Nakita ko ang pisngi niya na sobrang namumula, pero merong kinang sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.










Galit at....







Ayyy ayan na! Unti-unti na syang nahihimasmasan.










Kailangan ko ng sumibat.








Nagpeace sign ako sakanya at bigla nalang tumakbo.









at iniwan syang mag-isa na parang istatwa sa kina-tatayuan niya.





















Hala. Bakit ko ginawa yun?!?

- Tanong ko sa sarili ko.






O.o

Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon