Pagkatapos ng matinding rebelasyon, pagapang akong pumunta sa principal's office.Syempre echos lang.
Palakad akong pumunta kahit kabisado ko na ang class schedule at blue print ng eskwelahan. Kailangan ko kasi yung white map at schedule booklet para kapani-paniwalang transferee talaga ang inyong lingkod.
Hindi pa din ako makamove on sa nalaman ko, na ang dyosang naengkwentro ko kanina at si Rachel Anne Daquis ay iisa lang...
Nagtataka kayo bakit hindi ko alam?
Ano kasi eh....
~FLASHBACK~
Binuksan ko ang red folder at nanlaki ang mga mata ko...
Kayo din manlalaki ang mga mata niyo kung kayo ang inabutan ng ganitong misyon..
Name: Rachel Anne L. Daquis
Queen Tamaraw and Senator's Daughter."General, bakit eto lang?" Tanong ko.
"That's your mission. To know her and the rest Gonzaga, is for you to find out".
~END OF FLASHBACK~
Limang minuto akong nag-antay at nakuha ko na din ang white map. Papalabas na ko, nang may isang lalaking humarang sa dinadaanan ko at bigla ba namang finlexflex yung braso niya.
"Hi Miss. I'm Ryan Bang, you can call me yours if you want *wink wink* Huuu-Haaa!" Napailing-iling nalang ako at nagtaka bakit nandito sa Far Western ang korean version ni Johny Bravo.
"TING! TIIINGG! TIIINGG!"
Save by the bell, Bravo.
"See you Lovely thang. Huuu-Haa!" Alam niyo na kung sino yun.
Sinaklob ko ulit yung hoodie ko sa ulo ko para hindi ako mapansin. Dali-dali akong pumunta sa unang klase at nakita na nandun na si Propesora Dionisia, ang history professor namin.
"Ohki Klas, I'd layk yuu to mit da new transperi, da new transperi mit my klas. Yu. Sitdown dai."
Naghanap ako ng bakanteng upuan.
Hanap~
hanap~
hanap~
Nang biglang magtagpo ang mga mata namin ni Dyosa. Bigla nalang nagsimulang tumugtog ang paborito kong kanta na, 'Desert'. Habang papalapit ako sakanya ng papalapit, yung puso ko ang bilis ng kabog. Hindi ko naranasan 'to kahit nasa misyon ako humahagis ng granada, bumabaril at tumatalon sa mga gusali. Hindi pa tumibok ng ganitong kabilis ang puso ko. Eto siguro yung tinutukoy ni Derek Ramsay na, 'you can't close your heart to the things you dont want to feel? (Ex w/benefits) o napasobra lang ang pagkakape ko?
Bigla nalang huminto yung kanta sa paligid kasi humarang sa harap ko si Propresora Dionisia.
hay nako panira ng moment naman prof.
"Dai, upu sabi ko. May pa islumo-islumo ka pa. Nauubos oras natin. Upu na o iririking bul kita."
Nagmadali akong umupu ayan napagaya na ko kay Prof. Sumilip ako sa tabi ni Dyosa at nakita ko may tumabing lalaki dito. Hay napaupu nalang ako sa bakanteng upuan sa may pinaka likod.
Sa buong klase pinagmamasdan ko lang ang Dyosa kung paano sya tumawa, yung buka ng bibig at syempre yung nunal niya sa may labi. Ang sexy ba. Hihihi.
"Hay nako Gonzaga. Bawal pagnasaan ang mission." -sabi ng kaliwang konsensya ko.
Pa-pampam ka konsenya.
Pagkatapos kong magparinig sa konsensya ko, at sa hindi ko namalayang oras, tapos na pala si Prof. Nagmamadaling nagsilabasan yung mga estudyante maliban kay Dyosa saka yung lalaking katabi niya na nakaupo padin. Naglakad ako ng ubod ng bagal para marinig yung pinaguusapan nila.
"Sige na kasi! Huwag ka ng magpakipot. Kundi lang sakin hindi ka sisikat" at hinawakan niya ng mahigpit ang braso---Wait, nasan na ang taray nitong dyosa?
"Nasasaktan ako Chris. Please stop bothering me. Break na tayo wala ka ng babalikan"
"HINDI KA MAKIKIPAGHIWALAY SAKIN. WHETHER YOU LIKE IT OR NOT. ANG QUEEN PARA LANG SA KING. YOU UNDERSTAND??!" Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak na kahit anong pagpupumiglas ang gawin ni Dyosa ay hindi padin ito makawala.
"I kennot." Biglang pagsingit ko.
*BUGSHH!*
Nilaglag ko ang Saunders sa paa nung Chris.
Ang dami talagang silbi ng librong 'to.
Tumayo na galit na galit si Kuya, "ANO BA NERD! BASTOS KA'' at akmang sasapakin ako
Hay, anong nakakahawang sakit meron ang mga lalaki dito at nananapak nalang bigla.
At bigla nga niyang tinuloy yung pag suntok.
Umilag ako ng walang kahirap-hirap at kunwari tinali yung sintas ng converse ko para hindi halata. Napasubsob siya at napa singhal ng, ''bitch''
Sumugod ulit sya sa akin at hook shot naman ang pinalipad.
Anong gagawin ko?
para hindi mahalata.
Ah, pinulot ko yung Saunders na nasa gilid nila, naka handusay sa sahig.
Sinalubong siya ng hangin.
Tumayo na ko, na inayos-ayos ang aking salamin na para bang walang alam sa nangyari. Galit na galit si Chris kulang nalang bumuga siya ng apoy. Susugod ulit sya, ng biglang kabuteng lumitaw si Propesora Dionisia.
"Chris Tiu maryusep! wat yu doin ober der. May neks klas pa kayo istudents. Bawal tambay dito. Out."
Tumingin ako kay Prof, at ngumiti na para bang nagthankyou kasi nakaalis ako sa sitwasyon na muntik ko ng upakan tong si DragonTiu. Hinila ko ang dyosa at tumakbo kame papunta sa garden, ng mapansin kong halos lahat ng taong madaanan namin eh sinasamaan ako ng tingin.
"Hello! Ikaw ba naman kaladkarin yung Queen Radyosa nila, sinong hindi magbibigay ng dagger looks sayo." -sabi ng kaliwa at kanang konsensya ko.
Oo nga noh?
O.O
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |
Fiksi PenggemarPapaano nalang.. Kung ang solo mission mo ay ang pagbalik sa eskwelahan, at mapalapit sa nag-iisang Rachel Anne Daquis? Kilalanin si Captain Gwapa, Jovelyn Gonzaga, para sa kakaiba at maaksyong laban ng buhay at pag-ibig sa.... "Ang Probinsyana meet...