RAD's POV
"Tapos, tapos.. nanalo ako sa declamation. Ako nga po panglalaban nila sa buong district. Ang saya-saya ko po. Sayang hindi niyo na po ako makikitang magdeclaim.... Pero alam ko, nandyan na kayo sa heaven, binabantayan kami...hmmm, Diba mamy?" Tanong ng anak kong si Sarah habang inaayos-ayos niya ang mga bulaklak na nakalapag sa damuhan.
"Oo naman, baby. Nandun sya sa heaven, binabantayan tayo." Sagot ko sa kanya, na nakatingan sa lapida ng isa sa mga taong pinakamamahal ko.
I miss you so much.
"Let's go na nak, pagluluto kita ng favorite mo." Pag-aya ko kay Sarah, mukhang uulan na kasi.
"Bye bye po, bisitahin po namin kayo ni mamy ulit. Love you." At nagflying kiss pa siya na animo'y makakarating talaga sa pinagbigyan niya ang halik.
Tinayo ko na sya at lumakad na kami papunta sa sasakyan kung saan naghihintay si Lolo General.
Yes, he's my grandfather.
"Lolo Papa!!!" Sigaw ni Sarah na yumakap sa lolo niya at naupo sa lap.
"How's your visit? What did you say?" Tanong ni Lolo General.
"Hmm, na we'll visit ulit po and she's in heaven lolo papa, guiding us." Sagot ni Sarah na nakangiti kay lolo papa niya.
-PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO-
"Ang dalawa kong baby, i'm home!" Sigaw ni Dad.
Tumakbo naman si Sarah papalapit sa Dady Lolo niya at niyakap ng pagkahigpit-higpit.
Kiniss ko naman sa cheeks si dady.
Kagagaling lang niya sa 1 week summit sa baguio, bumalik na kasi sya bilang head of agriculture. Simula pa nung pangyayari limang taon ng nakakalipas. Naging isa ito sa pinakamalaking news sa mundo, ang pagkakapatay sa kahuli-huling angkan ng Mafia sa Pilipinas.
Oo, napatay sya ni Jovs.
At nabaril din sya nito....
Inalis ko nalang sa isip ko yun.
Ayoko ng alalahanin ang isa sa pinakamasakit na parte ng buhay ko.
Si General lolo naman, na isa pa ding secret general sa secret organization.
Binura niya lahat ng records ng nangyari, at binigay sa Chief PNP at Swat ang accredetation sa pagkakapatay sa kaisa-isang mafia king. Naextend din ang term ni President dahil sa malaking achievement nito, at dahil sya ang big bosses nila lolo. Pumayag syang magretire na si dady at bumalik nalang bilang head of agriculture.
Nagkaron din ng parangal para sa team nila Jov.
Speaking of Jovs...
Nawala ako sa pagmumuni-muni ng may yumakap sa likod ko. Inamoy-amoy niya yung leeg ko.
at
Sinipsip.
"Imissyou, Love." Bulong niya sakin.
Iniharap naman niya ko sa kanya at akmang hahalikan sa labi ng...
"MAMUUU!!! YOU'RE HOME!!!!!!" Pasigaw na sabi ni Sarah at tumalon sa mga bisig ng mamy niya.
Hinalik-halikan naman sya nito at iniikot pa sa ere.
"Namiss ko ang baby ko, hmm. Ang asim naman hindi ata pinapaliguan ni mamy." Bigla niyang sabi at tinignan ako't kinindatan pa.
Hinampas ko naman ang braso niya.
"Mamu, nagshashower naman ako saka dinalaw ulit namin kanina si lola ihhh." Paliwanag ni Sarah.
"Syempre, joke lang baby. Nandoon yung mga pasalubong mo oh. Binubuksan na ni Dady Lolo." Sabay turo naman niya kay Dady na kinakain na ang chocolates.
Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa leeg.
"Tatlong araw akong nawala, hindi mo ba ako namiss, Mrs. Rachel Anne Daquis-Gonzaga?" Tanong niya na kagagaling lang sa convention.
After the incident at pagrecovery sa hospital, nasa secret organization pa rin sya pero part time na lang, training new agents. May bussiness din kasi kame na rice mill, kaya doon nalang siya nagpapaka busy. Lagi din sya bumibisita sa botolan para tumulong sa mga kababayan niya.
"Miss na miss!" Habang pinaghahalikan ko yung pisngi niya. "Ang asawa kong gwapang probinsyana."
"Rach and Jov, punta na kayo sa dining table, padating na si General." Sigaw naman ni dady samin ng babaeng pinakamamahal ko.
At yun, hawak-hawak ko ang kamay niya na pupunta ng dining table,
pero kumalas siya sakin, at ninakawan ako ng halik sa labi at tumakbong nakakaloko papunta sa anak naming si Trish.
Wala na kong hihilingin pa,
Everything I need is here.
General Lolo, my dad, my baby Sarah and..
my probinsya, Jovelyn Gonzaga.
I think, it'll suit best if the title of the story will be...
"The Queen meets Ang Probinsyana."
Love!
Love!
Love!
--------------------
Thank you so much for reading my story. I hope na kahit naging mabilis ang ending ay napasaya kayo ng leading characters ko na si Agent Jovelyn Gonzaga at Queen Rachel Anne Daquis.
-savingrose
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |
FanfictionPapaano nalang.. Kung ang solo mission mo ay ang pagbalik sa eskwelahan, at mapalapit sa nag-iisang Rachel Anne Daquis? Kilalanin si Captain Gwapa, Jovelyn Gonzaga, para sa kakaiba at maaksyong laban ng buhay at pag-ibig sa.... "Ang Probinsyana meet...