Bang
Bang
Bang
Bang
Bang
Bang
Bang
Bang
Hindi ko tinigilan ang pagpapaputok hanggang sa mawalan ng ulo yung tinitira kong tao na gawa sa kahoy.
Nang biglang may humawak sa braso ko. Paglingon ko nanduon si General, na kanina pa pala ako pinagmamasdan.
Nilapag ko yung baril at tinanggal ang earmuffs na nakatakip sa tenga ko at sumaludo.
"Frustrations, anak." Ani ni Papa General na nakatingin sa dummy na pinasabog ko ang ulo. "That, will drive you out of control."
Kinabit niya sa ulo niya ang headphones at salamin. Kinuha niya ang gloc 9 sa lamesa, at pinaputok niya to ng walong beses para maubos ang laman.
Pagkatapos, tinanggal niya ang magasin at inilapag sa lamesa, hinubad ang headphones at nagsalita.
"You should have targeted 8 heads rather than 1"
"You see, the other 7 heads could have killed you."
Tumingin ako sa range at walong ulo na may headshot ang bumungad sakin.
Lagi namang seryoso si Papa pero hindi ganito kaseryoso, parang ang lalim ng iniisip niya.
"Sa kagustuhan nating iligtas ang mga taong importante satin, nagfofocus tayo sa iisang bagay na nagiging dahilan para makalimutan natin ang ibang mga bagay na mas mahalaga pa kesa don." Hinawakan niya ko sa braso at ngumiti ako.
Ngiti na nagpapasalamat. Si General na pangalawang tatay ko na.
"How is she?" Bigla niya tanong.
Kinuwento ko ang mga nangyari. May ibang emosyon sa mukha ni General kaya hindi ko nalang ito pinansin.
"Pa, maaari po ba na makausap ko si Senator Enrile? o kahit anong paraan makita ko lang siya? Lahat kasi ng inpormasyon mukhang tago at burado." Sabi ko kay Papa na huminga muna ng malalim bago sumagot.
"Let's see, anak. Habang hindi pa natin naayos, please Take Care of Rachel."
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |
FanfictionPapaano nalang.. Kung ang solo mission mo ay ang pagbalik sa eskwelahan, at mapalapit sa nag-iisang Rachel Anne Daquis? Kilalanin si Captain Gwapa, Jovelyn Gonzaga, para sa kakaiba at maaksyong laban ng buhay at pag-ibig sa.... "Ang Probinsyana meet...