Nandito kame ngayon sa secret balur, okay lair na lang para medyo formal ni General, na syempre secret din ang pangalan kasi secret din ang organisasyon na pinagtatrabahuhan namin. Mas mataas at syempre mas magaling kame sa Swat hehe pero ang pinagkaiba namin sakanila; Ang Presidente, piling mga kaalyado nitong mga senador, at pinuno ng Swat lang ang nakaka-alam na merong ganitong sikretong grupo sa pilipinas.
Pagkatapos namin pindutin ang password, at i-scan ng machine ang mga mata namin, bumukas na ang metal na pintuan at pumasok kame sa loob.
Nagsalute kami kay General at minwestra na pwede na kaming ma-upo.
"I want to congratulate your Team for another job well done. Our bosses are very pleased, after long years of illegal activities, the Jueteng Lord and her clan in pampanga is now behind bars."
Ang saya ng Team, for sure mag papa-Vikings tong si Barroca mamaya.
"Your incentives will be wired to your bank accounts, and as a reward, bibigyan namin kayo ng 6 months vacation. Although 6 months is too long na wala sa service ang top team, you Agents deserve it."
Shinake hands namin si General at niyakap-yakap ako ng mga kumag kong kasama.
"Agent Gonzaga. Stay after this."
Tumingin sila sakin at tumango lang ako para ipaalam na susunod ako pagkatapos. Nagsalute na sila at nag ask ng permission to leave, pero bago pa yun binulungan na ako ni Barroca na itetext niya kung saang branch ng Vikings ako pupunta mamaya. Oha! tama ako diba.
"Yes sir?" Tanong ko.
"Gonzaga, you know that i'm very proud of you sa simula palang. You've been the asset of this organization and to top that, our best Agent."
Nilapitan ako ni General at umupo sa silya na nasa harap ko.
"And i'm very lucky to have you as my daughter."
Niyakap niya ako at niyakap ko din siya ng mahigpit pabalik. Panandalian lang kami pwedeng hindi maging pormal sa isa't- isa dito sa lair, dahil ang trabaho ay trabaho, pero pagdating sa bahay isa lang din kaming normal na pamilya, yung anak na madalas napapagalitan kasi nakakalimutan maghugas ng pinagkainan hehe
"Anak, you most of all, deserved the vacation. But I believe you're the only Agent who can do this. Ikaw lang."
Sabi ko sa inyo, saglit lang General Mode na si papa.
Napalunok ako. Ngayon lang ako ipapadala sa isang misyon na solo agent.
"When I read the files. Ikaw kaagad ang naisip ko. There are 3 agents sa kabilang org who failed to accomplish this. You've been on high cases, hardest, and the toughest, and you nailed it. This will be a major adjustment dahil wala kang ihahandle na team at higit sa lahat hindi ito tulad ng iba mong misyon."
Hindi ito tulad ng iba mong misyon. Salita ni General na nanatili sa isip ko. Tumango lang ako na handa ng malaman kung ano o sino ang misyon ko.
Drug lord kaya?
Mafia?
Sex trafficking?
Or yung pamangkin ng Jueteng Lord na si Jueteng Jr ng bulacan?
Inabot sakin ni General ang isang red folder at pagbukas ko, biglang nanlaki ang mga mata ko.
"Your solo mission is Rachel Anne Daquis, The Queen Tamaraw and The Senator's Daughter."
(General)
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyana meets The Queen | Gonzaquis |
FanfictionPapaano nalang.. Kung ang solo mission mo ay ang pagbalik sa eskwelahan, at mapalapit sa nag-iisang Rachel Anne Daquis? Kilalanin si Captain Gwapa, Jovelyn Gonzaga, para sa kakaiba at maaksyong laban ng buhay at pag-ibig sa.... "Ang Probinsyana meet...