Kabanata 9

9.8K 218 4
                                    

Halos hindi din ako nakatulog magdamag dahil sa pagbabakasaling bumalik na si Barry at kumatok sa kwarto. Sa twing maiidlip na ako ay saka ako biglang magigising nang tuluyan para tumingin sa bintana at tignan kung may taong paparating.

Nang mag alas tres nang umaga ay naligo na ako at nag kape sa restaurant. Walang ilaw buong magdamag. Mainit pero halos hindi ko na indahin iyon dahil sa pag aalala kay Barry. Kamusta na kaya iyon? Buhay pa kaya? Saan kaya natulog? Magkasama kaya sila noong babaeng tinulungan niya? Kumain na kaya iyon?

Ang daming pumapasok sa utak ko pero kahit isa doon ay hindi man lang ako napakalma. Masakit ang ulo ko pero hindi ako makapagpahinga. Lalo na't halos hindi humihinto ang ulan. Humihina lang ito pero hindi tumitigil sa pag patak.

I pulled my legs up to my chest and hugged it tightly. I am wearing Barry's jacket. It gives warmth to my upper body pero ang leggings na suot ko ay hindi nakakatulong. If only Barry is here, he'll rub his hands together then caress my legs with his palms until I can feel warm.

Maliwanag na ang paligid. Humina na ang ulan pero patuloy pa rin iyon. Unti unting nawawala na din ang fog sa paligid at paunti unti nang sumusulyap ang araw sa kalangitan. Pero ang hangin ay hindi nagbabago sa lamig.

"Coffee?"

Napalingon ako kay Josiah. Ang isang kamay niya ay nasa likod nang silya ko habang ang isa naman ay may hawak na mug na nasa harapan ko at iniaalok sa akin iyon.

Umiling ako, "No, thank you." Sagot ko.

Tumango siya, "Do you mind?" Tanong niya at ini-muestra ang silya sa tabi ko.

I looked at it for a second. He can't sit there. Paano kung bumalik si Barry? Magagalit iyon, panigurado. But then, he's still missing. I sighed and slowly nodded bago muling nilingon ang tanawin sa labas nang malaking bintana.

Naupo si Josiah sa tabi ko habang dahan dahang umiinom nang kapeng dala niya.

"Wala pa rin bang balita?" Tanong niya

"Wala pa." Sagot ko

Tumikhim siya ngunit hindi na nagsalita pa. Hindi din ako nagsalita at pinagmasdan na lang ang tanawing unti unting nabubuksan sa aking mga mata dahil sa pagkawala nang mga usok at nang araw na naka silip na.

"They'll find him, right?" Marahang tanong ko

"They will." Sagot naman niya

Hindi na ako nagsalita pang muli. Hinayaan kong malunod ang aking mga mata sa ganda ng tanawin sa aking harapan. Ang aking tenga na ngayon ay nakakarinig na nang mga huni nang mga ibon, ang kalansing nang mga kubyertos, pagtama nang mga baso sa babasaging mga lamesa, mga silyang nag lalangitngitan kumpara kahapon na puro patak lamang nang ulan ang aking naririnig.

Nanatili ako sa aking posisyon nang ilang sandali hanggang sa magdesisyon na lang na bumalik sa kwarto. Walang kahit sinong dumating. Walang jeep na dumating. Ang sabi nila, sarado ang mga daan dahil sa sunud sunod na landslide at inaayos pa nang gobyerno ang daan dahil sa mga na stranded tourist na katulad ko.

Tumayo ako at inayos ang suot kong jacket. Naririnig ko pa ang grupo nila Josiah na maingay sa kabilang table. Hindi ko na sila nilingon pa at dumaretso sa kwarto. I tried to open the lights pero wala pa rin kuryente. Sabi nang ilan, ngayon daw aayusin ang mga posteng nasira. Napa upo ako sa sofa at napatulala na lang muli.

I think I should go back? Uuwi na ako pag may madadaanan na mamayang hapon. Napa buntong hininga ako bago nahiga sa sofa. Wala pa akong tulog na maayos kaya naman nang lumapat ang likod ko sa malambot na sofa ay agad din akong hinila nang antok.

Hapon na nang magising ako. Gutom na din ako. Hindi na ako naligo pa. I just put my hair into a messy bun at saka lumabas ng kwarto para umakyat sa restaurant. Andoon ang ilang kaibigan ni Josiah na nagkukwentuhan. Maingay pa rin sila pero hindi na kagaya noon.

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon