Kabanata 10

11.5K 244 6
                                    


Naka unan ako sa kanyang braso, ang isang braso niya ay naka ikot sa aking beywang. I continued to draw circles on his chest.

Paminsan minsan ay hahagurin niya nang kanyang kamay ang aking buhok, minsan ay hahaplosin ang aking mukha at hahalik sa aking noo, ilong, pisngi at mata.

"Akala ko hindi ka na babalik. I planned to go back to Manila." Saad ko

Nang matapos akong umiyak sa kanya kanina ay sinumbatan ko naman siya. He didn't say any explanations but he kept on saying sorry. Nang mahimasmasan ako ay hinayaan ko siyang makapag ayos nang sarili saka ako nagorder nang pagkain namin.

"Kailan ko ba pinaramdam sayo na hindi ako babalik? I will always come back to you." He asks

Umangat ang tingin ko sa kanya. His brownish blue eyes are staring at me intently na para bang pag pumikit siya ay bigla na lang akong mamawala sa harapan niya.

Ako na ang naunang nagiwas nang tingin sa kanya. Hindi ko kahit kailan kinaya ang mga mata niya sa twing titig iyon sa akin at mapupungay.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon bago ako hinila palapit sa kanya.

"I need to save her." He whispered

Nasabi na niya sa akin ang dahilan kung bakit siya naabutan ng flash flood.

Bumuntong hininga ako, "I know that you have the heart of giving a hand. Pero wag naman sa sukdulan na mawala na ka sa mundong to."

"She's crying, Gly. Nang makita kita, I wanted to just run away from there pero nagmamakaawa siya sa akin. She's pregnant. Mamamatay ako sa konsensya ko kapag hindi ko siya nailigtas."

Umangat muli ang tingin ko sa kanya, "Where is she now then? Did you got the chance to save her?"

Isang halik ang ibinigay niya sa noo ko, "Yes."

Ngumuso ako, "Magkasama kayo?"

Tumango siya. Bumaba muli ang tingin ko sa dibdib niya at hinaplos ang sugar na andoon. I didn't bother to ask again. Hindi na mahalaga sa akin ang ginawa niyang pagtulog dahilan para siya din ay mapahamak.

Ang mahalaga sa akin ngayon ay ligtas siya at kasama ko na ulit siya. Because losing him like that can make me crazy. Baka matalo ko pa si Harley Quinn sa kabaliwan kapag nagkataon.

"Go to sleep, my Glyrel. Stop thinking about things. I won't leave you again." He whispered before planting soft and feathery kisses on my cheeks.

Nagising ako kinabukasan nang wala nang makapa sa aking tabi. Napabalikwas ako at napa upo. No. It can't be!

Nilingon ko ang mga damit niyang hinubad kagabi bago siya maligo. Wala iyon doon. Nanlamig ako. Panaginip lang ba talaga?

Mabilis kong kinuha 'yong jacket saka ako nagmamadaling lumabas ng kwarto. Dadaretso na sana ako palabas nang mapahinto ako dahil sa isang bultong nakahiga sa sofa.

Si Barry. He's wearing what he wore last night. Naka halukipkip siya at pilit pinagkakasya ang malaking katawan sa isang maliit na sofa. Napa buga ako nang hininga. I sat beside him.

Mabilis na dumilat ang kanyang mata at tumingin sa akin.

"Did I wake you up?" Mabilis na tanong ko

Tatayo na sana ako nang hilahin niya ako pahiga sa ibabaw niya at yakapin sa bewang. My face is on his chest.

"Good morning," he said almost whispering

Umangat ang tingin ko sa kanya. I rested my hands above his chest as I draw small circles on it. Ang kanyang kamay naman ay naka yakap sa bewang ko habang ang isang kamay ay marahan na tumataas baba sa aking likuran. He's massaging my back.

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon