Kabanata 12

10.2K 245 1
                                    

"Glyrel, you can't always stick with him. Ikakasal na 'yong tao."

Napa irap ako sa kawalanan nang marinig ang paulit ulit na litanya ni Jill.

Hinarap ko siya, "Palibhasa, nasasabi mo sa akin yan dahil may boyfriend kang loyal sayo."

"Hindi iyon."

Humarap ako sa laptop kung nasaan si Jill. Gabi na sa kanila at nakapantulog na siya samantalang magaalmusal pa lang ako.

"Ano Jill? Sasabihin mo na naman sa akin na layuan ko si Barry? Dahil ikakasal na siya? Duh! Kung mahal niyang talaga ang babaeng 'yon, hindi siya papayag na may mamagitan pa sa aming dalawa. At kung papakasalan niyang talaga 'yon, hindi niya papatagalin nang ganito katagal."

May kung anong inilalagay si Jill sa mukha niya.

"Oh edi ikaw na. Ikaw na nga ang mahal dahil nagsstick pa rin siya sayo. Ikaw na. Pero hindi pa rin ikaw ang papakasalan." Aniya

Hindi na ako sumagot. Bumalik na lang ako sa pagluluto. I love Barry. I fell in love with him the first time I met him. Malay ko bang ang lalaking nagbigay sa akin nang jacket noon at si Barry ay iisang tao lang?

Hindi ko din naman sinabi sa tadhana na pagkitain kaming muli. Wala. I didn't do anything. Sadyang tadhana lang ang naglalapit sa aming dalawa.

Barry helped me gain back the company. Mahirap dahil para akong naguumpisa sa wala pero kinailangan kong pagsumikapan. Ayokong masira nang tuluyan ang kompanya na pinaghirapan nang tatay ko.

And there, Barry helped me. Hindi niya ako pinabayaan. Sage also helped me kahit na sunud sunod ang nangyari sa pamilya nila. They never left me. At lubos akong nagpapasalamat doon.

Kaya lang, sa pagdaan nang taon, nawala na din ang pagtingin ko kay Barry. Dahil natanggap ko na hindi ako yung babaeng mahal niya. I settled on being a second choice. An option. A mistress. I settled on that because there I found my happiness.

Pero ang kasiyahan ay unti unting nawawala na rin.

Umuwi kami ni Barry ng Manila kinabukasan. He's still asking if I am okay dahil mukhang nagulat siya sa desisyon kong biglaang pag uwi.

I can't stay long leaving the company and being with him. Para akong nasasakal sa ganoon.

Hinatid niya ako sa condo ko at simula nang araw na yon ay hindi na ako nagpakita pa sa kanya. Inabala ko ang sarili ko sa ibang bagay. I do workshops like what Moon Magic offered me.

Araw araw dadaan lang ako sa kompanya tapos dadaretso sa workshops. Bumalik na rin ako sa modelling which I missed too much. At sa pagbalik ko ay madaming offer agad ang nagbukas.

Kung wala naman akong ginagawa, nananatili ako sa condo. Doing nothing.

"Why don't you go on a date?" Tanong ni Tito Achi isang gabi nang mag aya siyang mag dinner kaming dalawa.

"What for? I'm better alone." Sagot ko

"Better alone? Doesn't look like you're better. You look like a depressed shit."

Umirap ako, "Tito!"

Tumawa siya, "What? Totoo naman. Here," May inilapag siyang puting invitation, "I saw this on your drawer. Sa susunod na sabado na ito gaganapin. I'm coming with Sasa and I want you to come."

"Kasama mo na pala si Sasa bakit isasama mo pa ako?"

Sumubo si Tito nang pagkain, "You are very much requested by a certain Montefero."

Umirap ako, "Then tell him that I hate charity balls."

Hindi kumibo si tito pero may kung anong ningning ang mata niya at pilyong ngiti sa kanyang labi.

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon