Kabanata 5

12.8K 271 9
                                    

Gillian is in town. So? Pakialam ko naman. Asawa nga nakukuha pa, fiance pa lang kaya?

Nilagok ko ang rhum sa aking harapan. Damn. Nakakailang baso na ba ako? Mariin akong pumikit para mawala ang pagkahilo ngunit naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Pinilig ko ang ulo ko at saka humingi muli nang isang baso pa.

"Girl! Hinay hinay naman!" Suway ni Sasa sa akin.

Inirapan ko siya, "Nung nahuli kita sa ibabaw ni tito, sinabi ko bang hinay hinay naman?"

Namula ang pisngi ni Sasa at bahagyang napa yuko, "Glyrel naman eh!"

Hinila ko ang buhok niya, "Tigilan mo ako... Shit! Bakit kasi ganoon ang posisyon niyo?"

Tumawa siya, "Wag ka ngang pavirgin! Sipain kita dyan!"

Umiling na lang ako at mabilis na nilagok muli ang shot sa aking harapan.

Gusto kong makalimutan ang nangyari kanina. Una, ang pagtataboy ni Barry sa akin just because I want to be with him tonight pero hindi pwede dahil kasama niya si Gillian, doing whatever!

Pangalawa... Damn it! Ang hinding hindi ko makakalimutan na posisyon ni tito at Sasa nang maabutan ko sila. Oo, I am not a virgin anymore.

Pero hindi kahit kailan na ginawa namin ni Barry ang ganoon! How can Sasa take Tito's... Argh!

"Ano bang problema mo?" Tanong ni Sasa sa akin

Nilingon ko siya, "Problema ko yung posisyon niyo ni tito kanina."

Hinampas niya ang balikat ko, "Tumigil ka na nga, Glyrel! Natural iyon! Galing ka sa isang fubu pero inosente ka sa ganoon!"

Hinila ko muli ang buhok niya, "Of course! Hindi ko kailanman ginawa iyon kay Barry, no!"

Goodness! Sa laki ni Barry, I might choke up!

Tumawa siya bago nagorder muli nang iinumin namin.

"Iyon ba talaga ang problema mo o si Barry?" Tanong niya

"Yung pigtails mo kanina ang problema ko."

Hindi nagsalita si Sasa at ininom ang bagong bigay na drink sa kanya nang barista.

"Fubu lang kami, kung iyon ang inaalala mo." Aniya sa isang seryosong tono

"Wala akong pakialam kahit seryosong relasyon ang meron kayo." Sagot ko

Nagulat ako nang hilahin ni Sasa ang buhok ko. Hinampas ko ang kanyang kamay para bitawan ako. She's laughing at nakakahawa ang pagtawa niya kaya natawa na lang din ako.

"Seriously, si Barry nga?" Tanong niya

"Gillian is back in town and I guess, live in na sila." Sagot ko

"Iyan ang inaalala mo?"

Umiling ako, "Inaalala ko yung sex life ko... Dumating lang iyong babae, tinanggihan na ako!"

Tumawa si Sasa, "Baka daw kasi mas masarap ang fiance niya kesa sayo!"

Umirap ako, "Okay sana kung sinabi mong mas matangkad siya kesa naman mas masarap siya!"

"Eh hindi ka na pinapansin eh! Tell me, kailan niyo huling ginawa?"

Napa inom ako, "Last two months ago."

"What!?" Tumawa siya nang malakas, "Baka nga nagsawa na ang taste buds ni Barry sayo!"

Tinulak ko si Sasa dahilan para muntikan na siyang mahulog sa stool. Buti na lang at napahawak siya sa table.

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon