Kabanata 33

9.6K 190 8
                                    

Hindi ako mapakali habang kumakanta sa harap ng maraming tao. Hindi ko alam kung napapansin ba nilang mali mali ang bawat lyrics ko. Hindi ako lumilingon kay Magda o kay ate Kath dahil alam kong magtataka sila.

Wala ang utak ko dito sa mall show na ito kundi nasa condo ko. Kasama ni Barry. Nilalagnat siya noong umalis ako. I ask one of my team to look after him pero ayaw niya. Pinaalis niya kaming lahat.

Puro ngiti ang ibinigay ko sa fans habang patuloy ang chant nila ng pangalan ko. May ilan pang fans na may mga head bands na may mukha ko at ilang tarpaulins. Ang iba ay mga pangalan ko kasama ang ilang artists din kagaya ni Ethan ng Zone Five. Wala naman loveteam talaga, mahilig lang sila magpares pares.

Hindi na ako nag tanggal ng make up pagkatapos ng meet and greet. Bawat isang fan ay isang pirma, isang picture saka ako nag te-thank you at hihingin na agad ang susunod na magpapapirma. Natatagalan lang kapag may nagtatanong na mga fans tungkol sa upcoming shows ko. Madaming pumila para magpa pirma sa akin. Matanda, bata, teenagers at mga lalaki.

"Miss, may victory party-"

"Hindi na ako sasama, Magda. I'm sorry." Saka siya tinalikuran.

"Ipapahanda ko na po ang van mo, miss para maihatid ka na. Isusunod ko na lang po ang nga gamit mo." Saad niya

Kinuha ko na ang bag ko at hindi na nagpalit pa ng damit, "Thanks Magda." Tinanguan ko siya saka siya nagmamadaling umalis sa backstage.

Kamusta na kaya yun? Damn it. Bakit ba siya nasa unit ko? Bakit hindi siya umuwi sa asawa niya? Napatigil ako at napatingin sa salamin. My face is still covered with make up. Maayos pa rin ang buhok kong kinulot kulot nila kanina.

I remembered. Noong mga araw na sinusundan ko si Barry, bihira ko siyang makita na kasama si Gillian. Twice a week. Ibang condominium din nakatira si Barry kesa kay Gillian. If magasawa nga ba talaga sila, bakit nila kailangan maghiwalay ng tinitirahan?

Because for sure, kapag ako nagasawa. I will never let him out of my sight. To be fair, hindi din ako mawawala sa tabi niya or hindi ako aalis ng magiging tirahan namin. And one more thing, don't they have plans on buying a house? I won't let my children live in a condo unit!

Pagdating ko sa unit ko ay agad kong naamoy ang mabangong amoy ng adobo. Then, I saw Barry cooking in my kitchen, topless. Nilingon niya ako and he smiled.

"You're back. Hungry?" Tanong niya

Ibinaba ko lang lahat ng gamit ko sa sofa saka siya nilapitan. His body is red. Malamlam din ang kanyang mga mata. Sinalat ko ang kanyang noo.

"Nilalagnat ka pa. Uminom ka na ba ng gamot?" Akmang kukuha ako ng gamot nang bigla niyang hapitin ang beywang ko.

I looked like a small kid hugging by a big bear. Masyado atang nagpaka busy si Barry sa gym nang ilang taon. His forearms are firm and show some veins. He's just very masculine.

"How's your day?" He whispered.

My body stiffened. Isang beses na humaplos ang kanyang kamay sa aking tyan. He kissed my neck and even smelled me. Mabaho ako!

Hinawakan ko ang kanyang braso at binalak na kalasin yon nang mas hapitin pa niya ako palapit sa kanya. He cupped my face to slightly turn to him and kissed my cheeks twice before finally letting me go.

"Uminom na ako." He answered. Inilipat niya ang nilulutong pagkain sa isang plato. It clicked on the marble.

Tumango ako, "Mabuti naman... I'll just change."

He looked at me bago ako tinanguan. Tinalikuran ko na siya at mabilis na pumasok ng kwarto. I quickly took a bath and change clothes.

Nang natapos ako ay saka ako lumabas para sana kuhanin ang mga gamit ko pero wala na iyon sa sofa.

"I put it inside your dressing room..." Saad ni Barry

Nilingon ko siya. Nakasandal siya sa nook habang nagkakape. Lumapit ako. Nasa lamesa na ang mga niluto niya.

"You put it there?" Takang tanong ko

Tumango siya then he took a sip, "Your unit's too small. I think you need to get a new one."

Isang beses niyang pinasadahan ang unit kong halos mapuno na din ng gamit ko. Napuno lang naman ito noong magumpisa nang magpadala ang mga fans ng mga regalo nila at mga damit na hindi na nagkasya sa walk in closet dahil sa sponsor.

"Its fine. Umuuwi naman ako sa amin." Sagot ko bago naupo at nagsalin ng kanin sa plato ko.

Naupo din siya sa harap ko. "You got a full schedule tomorrow."

Tumango ako sa kanya at pinasadahan ang niluto niya. There's a mushroom soup, steamed vegetables and chicken wings. Nang umangat ang tingin ko sa kanya ay mariin niya akong tinititigan na para bang kapag nag blink ang kanyang mata ay mawawala na lang ako bigla. Akala ko ay aalisin niya ang titig niya sa akin ngunit mas nakipagtitigan pa siya.

"I don't know what you want at walang laman ang ref mo kung hindi frozen food kaya nag grocery ako kanina." His baritone voice said.

Nag iwas ako ng tingin, "Kumain ka na din para makauwi ka na. Its late."

His tongue clicked before moving. Nag umpisa na din kaming kumain.

Habang kumakain ay sinasabi niya sa akin ang magiging schedule ko para bukas. He even showed me the schedule for the whole month na ginawa niya.

When all is set, he tucked me in bed and leave.

I woke up the day feeling extra energized. Maaga ako dumating sa studio para sa isang interview. Tumagal iyon ng halos dalawang oras pagkatapos ay dumaretso sa ibang studio para sa isang sponsored photoshoot. Tanghali nang dumating si Magda para dalin ang lunch ko at ihatid ako sa recording studio para magkabisado ng bagong mga kanta.

"Labas lang ako, miss. Gusto niyo pong tubig?" Tanong ni Magda

Nilingon ko ang bote sa aking gilid bago binalingan si Magda, "Yes please."

Mabilis ang kilos niyang umalis at iwanan akong mag isa don. I sat there and memorized the new song I will be singing. Ito ang kantang gagamitin para sa movie ng JoshLia.

I tried singing loudly the few lines to get the right note ng biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang lalaking naka black jeans, white v-neck shirt at black suit na naka roll ang sleeves hanggang siko niya.

Mabilis ang pag hinga niya na para bang hinahabol siya ng kung ano. Nagkatinginan kaming dalawa. He smiled.

"Sorry... Didn't mean to interrupt you but I just need a place to hide." Paliwanag niya

Sumulyap ako sa pintuan sa kanyang likod bago siya tinignan muli.

"Media?" Ngiting tanong ko

Isang beses niyang pinasadahan ang kanyang medyo kulot na buhok bago tumango sa akin. Naupo siya sa aking tabi.

"Some crazy media. They've been following me like stalkers." He cringed.

I chuckled and he just smiled.

"I'm Ethan..." Alok niya ng kamay niya

Tinanggap ko yon, "Rain..."

Mabilis na naging kapalagayan ko ng loob si Ethan. He is part of the boy band group na hawak din pala ni ate Kath; Zone Five.

Hinahabol siya media dahil sa isang artista na naka sabay lang niya isang beses sa isang mall na akala naman ay dinedate niya. He keep saying no pero masyadong makulit ang media para mas lalong idiin na nagtatago lang ang dalawa.

The other artist took that opportunity and also keep on denying the issue pero iba naman ang kanyang ginagawa.

Inaantay ko na lang ang van na maghahatid sa akin pauwi nang biglang pumasok si Barry sa aking dressing room. Si Magda at ang aking make up artist ay napatigil sa pag kukwentuhan. Pati ang aking baklang stylist ay napatigil din.

"You going home?" Barry asked without even knowing that his aura intimidates everyone inside the room.

Dumaretso siya sa akin at bahagyang yumuko para magpantay kaming dalawa.

My breath hitched. "Yes... We're just waiting for the available van."

He nodded and a smirk appeared, "I'll drive you home, then."

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon