Kabanata 20

10.2K 213 4
                                    

Kahit na sunud sunod ang meeting ko ngayon araw ay halos hindi pa rin ako makapag pahinga sa sunud sunod na email at mga papeles na inasikaso ko. I have to video call my father and Tito Achi for some questions I don't understand.

Saktong 6pm nang dumating si Calyx sa opisina ko para sunduin ako. We went to the nearest restaurant.

"Isn't it too crowded at BGC already?" Takang tanong ni Calyx

Kumunot ang noo ko, "No. Kung crowded ang lugar, the people in BGC won't ask for another condominium building."

Tumango tango siya, "Exactly, why put a condominium there? Maraming katunggali."

Nagpunas ako ng labi at sumandal saka sumimsim ng wine.

"Calyx, people always ask for new interiors. Ano naman kung halos magkakatabi na ang mga condo doon? My target is middle-class families."

Sumimsim din siya ng wine niya, "Middle class? They can't afford to have a unit. Lalo na't LDLRI ang gagawa. Kilala ang business ng pamilya niyo sa pag gawa ng mga building na talaga naman pang mayaman lang."

Nagsimula na muli akong kumain, "Kaya nga ang gagawin ko ay baguhin ang perspective ng mga tao sa kompanya. Kapag sinabing Lopéz de Lacalle Rocafort Inc., automatic iisipin nila, high class, elite and I want to change that."

Ngumuso si Calyx, "Is this still part of the Deo Gratias Charity?"

Tinitigan ko siya ilang sandali bago tumango. Lahat naman ng projects ng kompanya, kalahati ng kinikita ay napupunta sa foundation. Which is a good thing since madami na din kami naipatayo."

Nang mabili ni papa ang lupa sa BGC, madami nang pumasok sa ideya ko. I want it to become a condominium. Sinabihan ko na agad si Calyx tungkol sa plano ko. He refused at first dahil risky ang magpatayo sa gitna ng dalawang kilalang kilala nang condominium towers. Nang magbigay ako ng designs sa kanya ay nagbago na ang isip niya.

We talked about business for almost two hours. Brainstorming sa mangyayaring itsura sa condominium and he wants me to paint para sa lobby. We contacted a few interior designers from my company. Madami pa kaming napagusapan hanggang mauwi ang usapan namin kay Yuri na bumalik na pala mula America.

Pauwi na sana ako nang makatanggap nang isang tawag. May isang mahalagang meeting pa ako na pinuntahan. And all my energy got drained after that meeting. Even my soul got sucked after that.

Pagod akong dumating sa condo ko habang hawak hawak ang mga papeles at itinago iyon sa drawer sa sala saka ako pumasok ng kwarto at nahiga na sa kama at agad na dinalaw ng antok.

Nang magising ako ay sunud sunod na tawag ang natanggap ko mula sa sekretarya ko. Kailangan ko din pumuntang Moon Magic ngayon araw at marami na din akong gagawin.

I called Tito Achi to attend to the company while doing my workshop today. May photoshoot din akong gagawin ngayon para sa isang commercial.

I just wore a simple black tank top and ripped jeans paired with nude-colored stilettos and battle green purpose tour jacket. Nagpahatid na din ako sa driver papunta sa Moon Magic. Pagdating naman doon ay agad akong sinalubong ni Josa, ang baklang humahawak sa mga bagong talents na katulad ko.

Dalawang tao ang nagasikaso sa make up at buhok ko at isang tao pa sa susuotin kong damit para sa photoshoot saka kami nagpunta sa mismong venue ng photoshoot. We went to Tagaytay, a few hours trip from Metro Manila, pagdating doon ay mabilis na nagset-up ang lahat para sa mangyayari. Nasa isang malawak at malaking terrace kami ng isang bahay bakasyunan na ang sabi ni Josa ay isa sa mga pagmamay ari ng mga Montefero.

I did my angled poses na palagi kong ginagawa kapag si tito Achilles ang kumukuha sa akin pagkatapos ay ilang palit ng damit at ilang poses na sila din ang sabi.

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon