Kabanata 16

10.2K 176 3
                                    

Hinila ako ni Barry papasok nang opisina niya pagkatapos nang meeting. Umalis na ang mga kameeting niya at ganun din si Gillian dahil may gagawin pa daw itong importante.

Aalis na din sana ako pero hinila ako ni Barry. He's mad for something I don't understand. Nagtataka ako kung bakit siya nagagalit sa akin dahil wala naman akong ginagawang masama. Hindi naman ako ang nang landi habang nasa meeting. I keep quiet habang siya ay puro bulong at ngitian sa fiance niya.

Humalukipkip ako habang nakatitig kay Barry na nakapamulsa at nakatayo sa aking harapan. His eyes were dark and scary like he's about to blow fire at me. Pero hindi ako nagpatinag sa mga titig niya. Tinaasan ko siya nang kilay.

"What?" Tanong ko

"Wag mo kong what-what-in, Glyrel. What are you doing?" Inis na tanong niya.

Kumunot ang noo ko, "Wala akong ginagawa, Barry! Hindi ako yung nakikipaglandian habang nasa meeting!"

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha naming dalawa.

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya, "Landian? What are you saying?" Tanong niya

Hinawi ko ang kamay niya at tumayo. Umayos siya nang tayo at dinungaw ako, galit ko siyang hinarap saka siya dinuro.

"Don't act as if you're innocent, Barry Joseff! Nakikipaglandian ka doon sa fiancé mo!"

Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon. A ghost smile appeared on his face that irritates me more! Ang sarap sapakin nang mukha niya sa ginagawa niya.

"What's funny?" Galit na tanong ko

Umiling siya at naupo sa inuupuan ko kanina. He pulled me on his lap and hugged me from behind. He pulled me closer to him and rested his chin on my shoulders.

"You want me to get rid of her?" Malambing na tanong niya

I can hear soft laughs coming from his voice like I'm entertaining him very well!

Siniko ko siya at pumiglas pero hinigpitan lang niya 'yong yakap niya sa akin.

"Stupid! Why would I do that? She's your freaking fiancé!"

He chuckled, "Hmm..."

Nilingon ko siya, "Nakakaasar ka na ha!"

Tumawa siya lalo, "Hindi ako nakikipaglandian sa kanya. She's asking something that I ought to answer."

Pagak akong tumawa, "Halos maghalikan na kayo tapos sasabihin mong nagtatanong lang siya! What the fuck?"

Hinawakan niya ang baba ko at marahang iniharap sa kanya ang mukha ko. He kiss the tip of my nose lightly. Napa pikit ako sa sobrang gaanan noon.

"I didn't flirt with her." He whispered

Iniwas ko ang tingin sa kanya at inilibot sa buong kwarto.

"Wala kang maloloko dito. Even those chairs won't believe you, jerk."

Humigpit ang yakap niya sa akin at hinila ako hanggang mapasandal ang likod ko sa kanyang dibdib. Pumikit ako at umayos nang pagsandal sa kanya.

Doon ko lang naramdaman ang pagod at antok. Hindi ako nakakatulog nang maayos nang mga nakaraang gabi. Masyado akong stressed sa mga nangyayari.

I closed my eyes and rested on him. Naramdaman ko pa ang marahan niyang pag haplos sa aking buhok.

"You're tired." Mahinang tanong niya

I yawned, "I haven't got a long sleep."

Hinalikan niya ang buhok ko and whispered something I didn't understand. I dozed off.

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon