Kabanata 23

9.7K 218 10
                                    

Inihatid ako ni Seth sa unit ko pagkatapos. Okay na ang pakiramdam ko dahil bago umuwi ay kumain muna kami ni Seth ng cup noodles sa isang convenient store.

Ngumiti ako sa kanya, "Thank you."

Tumawa siya, "Any time. Just don't get drunk without me."

Tumango ako at tumawa, "Sure."

Nagpaalam na siya at nang makasakay ng lift ay pumasok na din ako ng unit ko.

I was about to take off my shoes when a man silhouette got my attention. Nanlaki ang mata ko nang makita si Barry na naka sandal sa hamba ng pintuan papuntang kusina.

He's wearing the same clothes earlier. Tumingin siya sa relo niya bago naglakad palapit sa akin. Napatuwid ang likod ko.

"Do you know what time it is already?" Kalmado ngunit may diin ang bawat salitang binibigkas niya

Bahagya kong nilingon ang orasan bago muling bumaling sa kaniya.

"I-its already 12 midnight—"

"I know what time is it!" Umalingawngaw ang boses niya dahilan para bahagya akong mapapikit.

"Palagi na lang bang lasing ka sa t'wing pupuntahan kita? Kung hindi ka busy sa trabaho, busy ka sa kung anu anong bagay at pag sapit ng gabi lasing ka?" Galit na saad niya

Napatingin ako sa kanya. Though, I can't see him properly, I know how his jaw flexed because of irritation.

"H-how did you—"

"How would you know what I'm doing if you're busy with someone else?" Bulong niya na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Pagak akong natawa, "Why would I want to know your whereabouts when I can see and read it everywhere?"

Inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa at hinawakan ang dalawang braso ko.

"Read what?" Mariing tanong niya

Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at lumayo.

"Read what? Don't make me a fool!" Napa hinga ako ng malalim, "Anong gusto mo? Anong gusto mong gawin ko? Magmukmuk ako habang ikaw nagpapakasaya kasi ikakasal ka na!"

Naka tingin lang siya sa akin. His jaw flexed. Umiling ako at tumingala para pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak mula sa aking mga mata.

"Ang daya mo." Bulong ko.

Naramdaman ko ang kamay niyang hinawakan ko. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya mula sa akin. Masama ko siyang tinitigan.

Looking at him, I felt how different we are. Mula sa estado ng buhay hanggang sa kinabukasan. I'm a bad person kaya ganito. No one deserves someone like me. I am not worth any marriage.

"Glyrel,"

Umatras ako palayo sa kanya at nagunahan nang bumagsak mga luha ko.

"I tried... I tried to be someone you want. Someone you like... Someone you deserved... Pero bakit ganoon? Bakit talo pa rin ako? Bakit hindi pa rin ako? Am I that bad that you refused to get married to me years ago? Am I not worth to get married?"

Umangat muli ang dalawang kamay niya at muli akong pilit hinawakan pero isang atras muli ang ginawa ko at bumagsak ang mga kamay niya. Tinitigan ko ang mga mata niyang natatakot. Is he that afraid that I might do something he won't like?

Natawa ako.

"I gave you myself... I gave you everything I can... Para lang," napahikbi ako, "Para lang iwanan mo sa huli... Dalawang beses. Dalawang beses mo akong iniwanan pero ni minsan ba naisip mong... Naisip mo ba na kahit anong gawin mo, kahit tanggihan mo ako paulit ulit sa kasal, kahit magpakasal ka sa iba, kahit ipamukha mo sa aking isa akong maduming babae, andito pa rin ako... Andito pa rin ako para sayo. Andito pa rin ako, nagiintay at umaasang balang araw, ako naman... Ako naman ang makita mo. Ako naman ang mahalin mo."

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon