Kabanata 26

9.2K 205 3
                                    

How do you heal a broken heart?

Yan ang karaniwang tanong ng mga tao. Its easy, forgive and forget. Be happy. Pero sabi naman ng iba, time heals all wounds. Tama naman sila. Tama naman na talagang nakakatulong ang araw o oras para maghilom ang isang sugat.

But, how do you heal a broken woman?

Yung tipong, naubos ang lahat sa kanya. Yung tipong, sa sobrang pagmamahal niya, naubusan na siya para sa sarili niya. Yung wala nang natira para sa sarili niya na kahit kaunting respeto sa pagkatao niya ay naubos na.

How would you fix a broken girl?

How would I fix myself?

Inilapag ni Rake ang isang basong gatas sa bedside table ko bago siya naupo sa paanan ko. I looked at him. He's only wearing gray sweatpants and a body-hugging white sando. His hair is a bit damp.

Hindi na siya naka alis kanina dahil sa akin. He doesn't even want to go without me at ayaw niya din naman na iwanan ako ng ganito. Curse those pad who didn't even remind me to buy them. Lumabas pa si Rake para bilan ako. And because he doesn't know anything about pads, he bought a different kind of it.

Ultimong, panty liner ay binili niya, knowing its just some kind of pads, too!

Pagkadating naman niya ay agad siyang nagpainit ng tubig para sa akin at binuhat ako papuntang bath tub. He let me stay there for a couple of minutes hanggang mag subside ang sakit ng puson ko. And now, he made a warm milk.

Inilapag niya ang hot compress sa puson ko. I groaned in pain.

"Nabasa ko sa google yan. Girls should do hot compress to relax the spasm." Aniya bago tinanggal ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha ko.

"This will help." Sagot ko at nginitian siya ng bahagya. Still wincing in pain.

Kanina binigyan niya ako ng gamot, he wants me to take those medicine to stop the pain pero ayoko naman na palagi na lang ako iinom ng gamot. Masasanay na ako sa gamot and I don't want that to happened.

"You should drink your milk while it's still warm, agape." Sabi niya

Tumango ako at inalalayan niya akong naka upo saka ako tinulungan na maka inom. This is the first time that he did this.

The months on the last years, hindi ko na maalala. Minsan naman kasi hindi ganun kasakit, minsan, iniinuman ko ng gamot lalo na kung nasa trabaho ako noon. Minsan naman ay wala naman akong nararamdaman. Besides, I'm always ready kapag nagkakaroon ako.

I watched my monthly period pero mukhang nakalimutan ko ngayong araw. Good thing, Rake's here.

Umangat ang tingin ko sa berdeng mata ni Rake. Namumungay iyon habang naka tingin sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko pababa sa aking pisngi dahilan para bahagya akong napa pikit.

"You should go to rest." Malambing na saad niya

Marahan akong tumango at muling tinitigan siya. Ngumiti siya at minura ako ng dimples niyang pagkalalim lalim.

Inangag ko ang kamay ko at tinusok ang dimples niya. He chuckled before grabbing my hand and put it on his cheek. He closed his eyes while smiling.

"I love you." Halos bulong na sabi niya

Siguro, dahil sa lambing niya, dahil sa pagaalaga niya, dahil sa mga simpleng bagay na ginagawa niya para sa akin, siguro dahil sa lahat ng dahilan na yon para magkaroon ng kasiguraduhan ang bawat siguro ko... Nahulog ako sa kanya.

"Cassie... Ayusin mo na,"

Rinig kong sabi ni Manager Kath nang pumasok sila ng dressing room. Naupo si Cassie sa aking tabi at saka pumikit habang minamasahe ang kanyang ulo.

"May photoshoot nga ako." Inis na saad niya

"Cassandra—"

"Ayoko nga, Kath. A.YO.KO."

Hindi nagsalita si Manager Kath. Tinitigan ko siya sa repleksyon sa salamin. Stressed niyang hinilot ang sintido habang may hawak pang ballpen sa kamay.

"Nakaka stress kayong dalawa!" Aniya sabay talikod at labas ng dressing room.

Ilang sandali ang nakalipas habang abala ako sa pagrereply sa message ni Rake ay nagsalita si Cassie sa aking tabi.

"Alam mo, maganda ka. Wag ka lang parating nakasimangot." Aniya

Umangat ang tingin ko sa kanya sa salamin at nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Alam mo, maganda ka, wag ka lang pakilamera."

And yes, magkaugali po kami ni Cassie. She's the baddest girl, I've ever met. Yun nga lang, mas malala ako sa kanya. May limitation siya habang ako ay wala. Maybe, our similarities pushed us to became friends.

"Tangina mo, 'di ka maganda."

Or no. Not, really.

Umirap ako sa kanya at nagtuloy sa pagtipa ng sagot sa text. Narinig ko ang pag buntong hininga niya.

"Haay! Nakakamiss!" Aniya sabay hikab niya.

Inilapag ko ang cellphone sa aking harapan bago inayos ang buhok ko.

"Kailan ka uuwi ng Pinas?" Tanong ko

"Ikaw, kailan mo tatanggapin na kasal na si Barry?"

Napahinto ako sa ginagawa at sinamaan ng tingin si Cassie na naka ngisi lang sa akin. Kung hindi lang maganda ang babaeng ito, sasampalin ko talaga.

"Ikaw, kailan ka magpapakita kay Gregg?" Tanong ko pabalik

Tumawa siya, "Kapag kaya na niyang makita ako. Malay mo mamaya, mabaliw ako at bigla akong kumuha ng ticket pabalik ng Pilipinas."

Umiling iling ako. Sa ikli ng pagkakakilala namin ni Cassie sa isa't isa, ganoon naman kadami ang alam namin sa bawat isa. And based on her stories, I can't judge her, who am I to do that in the first place? I'm not fitting her shoes, too.

Tumunog ang cellphone ko at mabilis kong kinuha yon.

Rake
Agape, let me spoil you a little. I love you, beautiful.

Umirap ako bago nagtipa muli nang reply para kay Rake.

"Are you still in love with Barry?" Biglang tanong ni Cassie

Napahinto ako sa ginagawa at sinalubong ang tingin niya. She's a devil disguised as an angel. Deceiving.

Siya ang nagiwas ng tingin bago tumayo.

"Who knows what would happen, right?" Tanong niya bago lumabas muli ng dressing room.

Napa titig ako sa cellphone ko. Its been 3 years. Masaya na siya. He's living the life he always wanted. Maybe, its about time na ako naman ang sumaya.

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon